Chapter 11

21 7 8
                                    

Art

Hindi makakaila na isa ang school na 'to sa mga kilalang school sa City namin dito sa Laguna. It is indeed breathtaking, ang laki laki. And it is shocking also that they have their own art museum.

"Hoy, bitiw!" sigaw ko sa pangi-ngising si Kairus na nakaakbay pa rin sa akin. Unang naglalakad sa harapan namin ang babae at si Hajio at Anne Marie na walang kibo. Nakaakbay naman si Kairus sa akin at ayaw pa kunin ang mabigat niyang kamay.

"Ayoko," diretso nitong sabi na hindi man lang nagtapon ng tingin sa akin. Grabe, ang sarap niya baliktarin. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at pilit na inalis pero ang bigat naman.

Tinignan ko siya nang mariin, "Kukunin mo o sisigaw ako, anuh?" pananakot ko sa kanya.

Tumatawa siyang tumingin sa akin, "Eto na." Kinuha niya ang kamay at pinili na lang na isilid sa bulsa ng jeans niya. I tsked at nauna na lang maglakad. May iilang students na nakaupo sa mga benches sa gilid ng highway. Nasa ikalawang palapag na kami ng four story building na pinagdalhan sa amin ng babae. The whole environment is so neat. When we reached the third floor ay binuksan ng isang babae ang nag-iisang pintuan doon at iginaya kami papasok.

May iibang estudyante sa loob na nagtitingin na tulad namin ay siguro deligado rin ng ibang paaralan. Nilibot ko ang mga mata at may mga paintings na nakasabit sa mga pader.

"Our former principal is an artist, an art professor to be exact. May time noon na nagpaproject siya sa mga students niya ng paintings and other artworks, iyong iba hindi inuwi ang nga projects nila so he thought about making this. An Art Museum, the pride of our school." Naglakad ang babae at tumingin sa mga artworks.

Tahimik lang ang lahat, naglakad ako tungo sa isang painting na nakasabit sa gilid at napangiti nang makita ito. It is a painting of a child, a smiling child where joy is vivid on his face. I can remember myself on him, naging ganuon din ako kasaya noon.

"Anw, sorry pero naalala ko may pupuntahan pala ako. Guide yourselves lang, enjoy," paalam ng babae at ngumiti sa amin. Nakita kong tumango si Anne Marie kaya naging sign iyon ng babae para mag excuse sa amin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko si Anne Marie at Hajio na naghiwalay ng direksiyon. Malapad ang buong silid at may mga pader na namamagitan sa mga daan, sa mga pader na iyon ay may mga paintings na nagiging palamuti upang hindi maging dull ang puting pader. Binusog ko ang mata sa iba't ibang larawan na sobrang ganda sa paningin. Those paintings, each one of them have meanings.

Abala ako sa pagtingin nang biglang nagsalita si Kairus sa tabi ko, "Cesia, tignan mo 'to. Kamukha ko hindi ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ang isang statue na nasa tabi niya. Isa iyong nude medium statue.

"Ang kapal mo naman, ang panget mo para maging kamukha 'yan," wika ko na siyang kinakunot ng noo niya. Ayan, dapat tanggapin niya ang katotohanan.

Pasikreto akong natawa nang lalong umasim ang mukha niya. Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. May mga kasabayan pa akong mga taga-ibang school na bumabati sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya't binati ko na lang sila pabalik.

Sa pinakadulo ng silid na iyon ay may hagdan patungo sa itaas. Sabi kanina ng isang babae ay kadugtong pa ito ng art museum na nasa fourth floor. Umakyat ako at namataan kong kokonti lang ang mga nagtitingin sa itaas.

I was about to enter a room where it said abstracts painting are displayed when I suddenly heard whispers.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"I need an explanation, Anne."

Nang marinig ko ang mga boses nila ay nakilala ko na agad kung sino. It is the second time that I am stuck in this situation. At parang naglue ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ako makagalaw. Gusto kong pagalitan ang sarili ko.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon