Chapter 24

28 6 9
                                    

Met To Be

Bawat bata may pangarap, kung ano ang gusto nila maging sa paglaki nila. Noong una akala ko kung anong pangarap mo noong bata ka iyon na talaga ang aabutin mo, pero maaari palang magbago iyon sa patuloy na paglipas ng panahon. Kase habang lumalaki ka mas nakakakilala mo ang mundo at ang sarili mo. Ngunit mayroon namang mga tao na hindi pa rin alam ang gusto nila kahit tumatanda na at mayroon ding kailangan isawalang-bahala ang mga pangarap dahil sa ibang dahilan.

Sa pag-abot ng mga pangarap na iyon, isa lang palagi ang sinasabi nilang unang hakbang — ang pag-aaral. Iyon ang susi, iyon ang tulay tungo sa panibagong lalakaring paglalakbay.

At sa bawat katapusan ng bahagdan, sa dulo ng bawat hakbang, naruon ang bunga nito. At pagkatapos ng pag-aaral ay ang...

"Happy Graduation Day, Graduates!!"

"Wohhhh!!!" Napasigaw ang lahat kasabay ng mga masigabong palakpakan mula sa madla. Nakangiti lang nang malawak ang school director sa stage, kaming lahat na nakatoga sa ilalim at masayang nagdidiwang.

This is it.

Katatapos lang ng graduation ceremony namin at lahat at masaya. Sino ba ang hindi sasaya kung makakapaggraduate? Well meron din naman pero kakayanin din naman siguro nila 'yun.

"Pa, isang step na lang!" nakangiting saad ko kay Papa.

Tumango ito, "I'm so proud of you.." bulong nito sa akin. Dinig ko pa rin iyon sa kabila ng kaingayan aa paligid.

"Pa, thank you!!" Niyakap ko siya. Si Papa ang naging sandalan ko, si Papa ang kumayod para sa akin at hindi rin naman makakaila ang tulong at suporta sa akin ni Mama Maria. Lahat ng natahak kong tagumpay at tatahakin pa ay para sa kanila.

Pagkatapos ng graduation ay dumiretso na na kami sa bahay, may konting handa sila Mama, at kaming magpamilya rin naman ang naroon.

"May bisita pa kayo, Ma?" taas noo kong tanong kay Mama nang marinig ang tunog mula sa gate sa labas. Mag aalas-syete na ng gabi at katatapos lang sila Mama magluto. Si Marian ay nakaupo na sa kaniyang palaging inuupuan.

"Hintayin mo na lang ang Papa mo, 'nak.." sagot ni Mama. Ehh, hindi ako mapalagay ngayon sa hindi ko alam na dahilan, pati ang tingen ni Mama ay nakaka-curious.

Hala ano ba kaseng meron.

Nakaupo lang kami ni Marian doon habang si Mama ay tinitignan ang desert niya sa ref. Maya maya ay nakarinig na ako ng mga papalapit na yabag at ingay.

So may bisita nga?

Sobrang clue less ako kung sino ang paparating kaya nang makarinig ng pamilyar na boses ay halos naestatwa ako sa kinauupuan.

Anong ginagawa niya rito?

"Cesia anak!! Nandito na ang bisita natin!" sigaw pa ni Papa mula sa salas. Nakarinig pa ako ng tawa na talagang sobrang pamilyar.

Hays, pabida talaga itong lalaking 'to.

"Pa?" salubong ko kay Papa na nakikitawa pa sa manliligaw ko habang papasok sa kusina. Siguradong nakakunot ang mukha ko ngayon sa harapan nila mismo.

"Happy Congratulations, Cesia and Kairus!!" bati ni Tita Hailey, lahat kami ay nakataas ang bawat hawak na wine glass.

We all smiled and cheered bago inibaba ang hawak at uminom. Wala naman na akong nagawa kanina nang malaman na inimbitahan pala ni Papa si Tita Hailey at Kairus sa bahay para magdinner. Hajio is with his father kaya hindi siya nakasama.

The dinner went well, magkasundo naman si Tita Hailey at Mama Maria, si Papa at si Kairus. Alam na rin ng pamilya ko na manliligaw ko si Kairus at tuwang tuwa pa nga sila. Hays, sila pa.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon