Bygone
Hindi ako makapaniwalang nakatitig lang kay Hajio. Inaasahan ko siyang sundan ng malakas na tawa ang sinabi niya pero hindi. Nakatingin siya sa akin na parang hindi na niya babawiin ang sinabi niya at siguradong sigurado siya rito.
"Haj.. Bakit mo naman ako liligawan?" patawang saad ko para mawala ang awkwardness sa gitna naming dalawa.
Kumunot ang noo niya. "Kase gusto pa rin kita, Ces."
Nagulat ako sa sinabi ni Hajio. Napag-usapan na namin ang tungkol sa nangyari dati. Napagkasunduang namin maging kaibigan lang pero nanatili pala ang paglagusto niya sa akin.
"Baka sanay ka lang sa akin, Haj.." Natawa ako, "baka naiisip mo lang 'yan tapos hindi mo pa pala ako gusto.."
Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwala. Inalis ni Hajio ang mga kamay niya sa kamay ko at humarap sa malaking space na nasa paligid ng building.
"Ces, kilala mo ako. Sa tingin mo ba ay kaya kong gawing biro ang bagay na 'to?"
Geek si Hajio, seryosong uri ng tao. Marami nga ang nagkakagusto sa kaniya dahil sa ang seryoso niyang tignan. At hindi naman siya ganuon ka mapagbiro na kahit ang bagay tungkol sa pagrerelasyon ay hindi niya seryosohin.
"Sa nagdaang dalawang taon ikaw pa rin, Ces. Kaya hayaan mo akong iparamdam sa iyo 'yun. Hayaan mo akong burahin ang traumas na iniwan nila.." Napatitig ako kay Hajio nang lumingon ulit ito sa akin. Sincere ang boses niya at ganuon din ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Sabado bukas, may gig kami. Manuod kayo ni Avi.."
Tinignan ko ang maliit na papel na binigay ni Hajio. Nakasulat dito ang isang adress. Alam ko ang lugar na ito dahil isa ito sa kilalang club na pinupuntahan din kadalasan ng mga kaklase ko.
Inaya ko si Avi na pupunta kami sa isang bar. Ngunit hindi tulad ng bar na palaging pinupuntahan namin. Now, it's one of the high-end bar in the center, Vigora, is a bar where the youth experience their wild night fantasies.
"Sana pala nagdala ako ng mask anuh.." walang-muwang tanong sa akin ni Avi. Hindi ko alam kung sarcastic ba iyon o seryoso talaga siya sa tanong niya.
Pinaypayan ko na lang ang hangin para mawala ang mga amoy na sumalubong sa amin pagkapasok namin ng bar.
"Oy, nandito na kayoo!" malakas na salubong ni Ava. Ang lakas kase ng tugtog kahit wala pang nagsasayawan sa gitna. Inaya rin ata siya ni Edzel na manuod palibhasa ay magkasama rin naman sila sa iisang paaralan.
Iginaya kami ni Ava sa isang pangramihang sofa at table kung saan siya kanina naghihintay. Habang tumatakbo ang oras ay lalong dumadami ang tao sa club.
"Marami pa lang gwapito rito!" puri ni Avi nang may isang lalaking foreigner ang dumaan sa gawi namin.
I gave her an eye roll. Kanina pa ito puri nang puri kesyo andami raw gwapo pero hindi niya naman tipo. Sadyang nakakakuha lang iyon ng atensiyon niya. Pero sa akin ay ni hindi nga ako interesado masumpungan kahit buhok nila.
Hindi ito ang first time na nakapunta ako ng club, pero etong si Avi ay ngayon lang ata nakapunta. Eh minsan lang din naman kami makanuod ng gigs nila Hajio at hindi rin kami mahilig lumabas sa gabi.
"Ang ingay.."
Sobrang ingay talaga! Pero wala naman akong magawa arrgh!
Fortunately pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang tumigil sa pagpapatugtog ng dj. Kumalma ang lahat ng tao sa loob ng bar. Lalo na nang makita ang tatlong lalaki pumunta sa platform.
"Ces, apat sila..." bulong ni Ava.
Napatulala ako, apat nga sila ngayon sa gitna. I am speechless dahil paanong after ng halos dalawang taon ay nabuo ulit silang apat.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...