Chapter 43

22 6 0
                                    

Fear

"Hindi ata talaga para sa akin ang pag-ibig."

Pabagsak akong umupo sa sofa at inilagay ang shoulder bag ko sa tabi. Nakataas ang kilay ng tatlong nakatingin sa akin.

Isinawalang bahala ko sila at agad na inabot ang tubig sa ibabaw ng maliit na lamesa at lumagok. Masyado akong nauhaw kanina dahil sa paghabol kay Avery.

"Grabe, akala ko magpapasa ka lang ng tula mo tapos ngayon heartbroken ka?" Ava's lips formed an o, ipinapakitang gulat na gulat siya. Gusto niya lang naman ang mang-asar.

"Bakit, Ces? Narealize mo bang si Avery ang gusto mo tapos hindi puwede kase straight siya?"

Kinurot ko si Avi sa tagiliran. Baliw!

"False!"

Tumawa silang tatlo sa akin. They started bickering what is the reason why I am frustrated, but I know they just want to tease me.

I don't have a thing to Avery. Straight ako, napakaimposibleng magkagusto ako sa babaeng iyon. Ni hindi ko nga siya kilala. Hinabol ko lang naman siya kanina para ipasa ang entry ko para sa publications. Siya kase ang editor-in-chief at isa ako sa contributor.

Well, hindi ko pala kayang itapon na lang bigla ang pagsusulat. It's like, it dwells on my soul permanently.

"Wala na kami ni Arthur!" Pagpapatigil ko sa kanila.

Napunta ang tingin nilang tatlo sa akin, nakataas ang kilay, at nakatingin na mapang-asar. Dahil ata sa palagi na silang magkasama ay nagiging magkamukha na sila! Mga bruha!

"Hindi na nakakapanibago..." ani Ava.

Sininghalan ko siya. "Hoy, dalawa pa lang ex ko!"

"Weh.." Binigyan ko silang tatlo ng matalim na tingin. Mga siraulo!

Two months pa lang simula nang maging kami ni Arthur tapos kanina ay nakipaghiwalay na siya sa akin. Boring daw ako at hindi masayang kasama.

Sumasakit nga ang ulo ko kakaisip kung bakit ko siya pinatulan! He is too far for my liking kahit wala naman akong standard para sa lalaking dapat gustuhin. All what I want is to be happy and to feel the security in my partner's arm.

Isang bartender si Arthur sa bar, mahilig sa archery, at mabait din naman siya. It's just he looks at me like I am an entertainment. I didn't love him like how deep when I was with Hajio pero nasaktan pa rin ang ego ko dahil sinubukan ko naman.

"Wala ba talagang spark, Ces?" Tumango ako kay Cloe.

Nagtataka ko siyang tinignan nang lumapit ito sa tabi ko at kunwareng niyayakap ako.

"Okay lang 'yan, kung magiging madre ka edi bless us po, sister..."

Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya! Isa rin ito sa dahilan kung bakit ko sinagot si Art eh. Magiging matandang dalaga raw ako at hindi pa nakamove on.

Bakit naman nila iyon nasasabi? I'm twenty three, graduating student, and future Engineer Morales.

It's been how many months since Hajio and I decided to split. Luckily, I was able to let him go and accepted that it is the circumstances of my choice. At tulad ng inaasahan ko kay Hajio ay nalaman kong umulit siya sa fourth year para makagraduate na rin. It looks shameful for other people's perspective, but for me who know him, nakakaproud.

"Kelsey is serving her sentence in the Jail. At kahit isang beses daw ay wala man lang bumisita sa kaniya.." wika ni Ava sa amin.

Humigpit ang hawak ko sa bote ng beer. Na-i-close na rin ang kaso, ilang taon ang sentensiya ni Kelsey dahil sa libel at cybercrime na isinampa namin sa kaniya. I pity her tho, dahil sinira niya ang buhay niya dahil sa pangarap na makaahon agad sa hirap.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon