Statue
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang papunta sa room para puntahan si Cloe. Ani niya nakapag-pasa na raw siya ng article kaya naman ay uuwi na kami.
"Wow, good mood ah," salubong nito sa akin nang makalapit ako. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago tumalikod.
"Ganito pala magkacrush ang isang Cesia Morales!" she mocked. Uhh, umirap ako.
"Uuwi na ba tayo?"
Knowing her alam kong hindi pa talaga kami uuwi.
"Hindi pa." See? . Hindi na ako nagreact dahil alam ko naman na. Paniguradong dadalhin na naman ako nito sa ibang lugar at as always, hindi ako makakatanggi.
"Saan na naman tayo pupunta, Ces?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa loob ng jeep. Kaunti lang naman ang pasahero dahil nga alas dos na.
"Shopping tayo, tapos pumunta tayo ng bahay mamaya. Nakapagpadala kasi si Mama," bulong nito sa akin.
Tumango na lang ako at tumingin sa labas. Kada taon ay may balikbayan box na pinapadala ang Mama ni Cloe. Mabait kase 'yun at tinuturing din akong anak. Sa pagkakaalam ko ay halos tatlong taon na rin siya sa Canada, kung saan siya nagtatrabaho.
"Hindi ba uuwi ang Mama mo, Clo?" biglang tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata niya nang tumingin siya sa'kin.
"Hindi pa eh, sabi pa nga niya baka matagal pa kase magiging college na ako," sagot nito.
"Hindi ka ba galit kase pinili niyang iwan ka rito?" sunod ko pang tanong.
Binigyan ako ng assuring na ngiti ni Cloe bago sumagot. "Hindi, Ces. Naiintindihan ko si Mama. At alam ko kung bakit ka nagtatanong, hindi ba sabi ko malalampasan mo rin 'yan?"
Ngumiti ako nang maliit bago tumahimik. Hindi na ako magsasalita dahil alam ko na kung saan ang patutunguhan ng usapan namin. Lumipas ang ilang minuto ay bumaba rin kami ni Cloe sa jeep at naglakad papuntang mall.
"So anong feeling na kalunch ang crush?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
Pinaikutan ko siya ng mata dahil eto na naman siya sa pangungutya niya.
"Whatever, Clo. Huwag mo ngang lagyan ng malisya," ani ko. Narinig ko pa ang mumunting tawa niya. Naramdaman ko ang pagpula ng pisnge ko at nang nakita niya 'yun ay lumakas lalo ang tawa niya.
"Indenial ka na, Ces. Alam kong kinikilig ka!" she teased loudly. Pinagtitinginan tuloy siya ng ibang tao.
"Tumigil ka nga, Clo. Huwag mo na kaseng ipaalala sa akin," reklamo ko sa kanya. Kahit hanggang kung saan kami magpunta ay puro pa rin Hajio ang bukambibig niya.
"Ayaw ko nga," wika pa niya. Lalo tuloy akong nanggigigil sa babaeng 'to.
Hindi naman kami bumili ng kahit anong tintinda dahil wala akong dalang extrang pera. Si Cloe naman ay bumili lang ng pang skin care niya. Halos nilibot lang namin ang mall at nag-window shopping.
"Gutom na ako, Ces," reklamo niya sa akin at umupo siya sa bench dito sa gitna ng mall. Nilibot ko ang paningin at madami namang makakainan dito. Hinila ko na lang siya at pumunta kami sa isang Korean Resto. Parang gusto kong kumain ng ramen ngayon kahit mainit.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay naamoy ko na agad ang amoy ng samgyopsal at ramen.
"Nakakagutom naman, Ces... Nakakamiss din pala rito. Nang huling punta ko rito wala pang standee rito si Lee Min Ho.." daldal pa niya, "isa pa nakakatakam talaga ang pagkain-"
"Sayang hindi natin kasama si Ava," usal ko na ikinabusangot niya. Umuwi raw nang maaga si Ava dahil may pupuntahan daw sila ng mama niya kaya hindi siya nakasama sa amin ngayon. Kung wala lang siyang pupuntahan ay baka natangay rin siya ni Cloe rito.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...