Chapter 41

22 6 0
                                    

Love

After celebrating the holidays in the hospital bumalik na ang klase. Kahit ayaw kong pabayaan si Papa sa hospital dahil hindi pa rin siguradong safe ang lagay nito ay kailangan ko ring pumasok.

Hindi pa nasolusyunan ang problema ni Avi, bumalik din sa ang ang reyalisasyon na marami pa akong problema na haharapin.

"Ano 'yan, Kai?"

Ibinigay sa akin ni Kairus ang laptop niya. Natutop ako sa kinauupuan nang makita kung ano 'yun.

"Ano 'yan?" mahinang tanong ni Avi na agad din namang sumilip sa laptop.

"Saan mo 'to nakuha?"

Ngumisi si Kairus sa akin. "I'm a very good photographer!" Nagbuhat pa talaga ng bangko!

Pero hindi ko siya masisisi, maganda naman talaga ang kuha niyang shots na nagpabilib sa akin sa kaniya. Litrato ito ni Prof. Flores at ni Kelsey na magkasama sa silid ng guro.

Gusto lang namin itong gawing bait sa babae ngunit nagpuyos ako sa galit nang may ipinakalat na naman itong masama tungkol sa akin.

"Cesia, tawag ka ni Prof. Magenda!!" ani Vyxler, isa sa mga kaklase kong malapit sa mga professors.

Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Siya ang isa sa head ng engineering department.

Kinakabahan kong tinahak ang pasilyo tungo sa office ng mga professors sa engineering department. Malapit lang din ito sa building namin. Dahil malaki at magarbo ang school kaya may ganito.

"Miss Morales, I received reports from your classmates.."

Pilit kong pinapakalma ang mga paa na kanina pa namamawis at nanginginig. Dagdag pa na ang lamig ng aircon dito sa office kaya lalong nagsisitayuan ang mga balahibo ko at dinadaga ang dibdib ko.

"Totoo bang nagcheat ka kaya naging Dean's Lister ka?"

Nakagat ko ang labi. Ano? Nagcheat ako kaya naging dean's lister ako?

"Ma'am, with all due respect po pero hindi ko po 'yan kayang gawin."

Ilang araw ko nang naririnig ang mga paratang ng mga kaklase ko sa akin. Minsan kung magkakaroon kami ng quiz at mataas ang scores ko sa kanila ay masama at nandidiri ang tingin nila sa akin. It's been a week simula nang bumalik ang klase pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kasama ang pasok ng taon sa akin. Just because of my past scandal, they will judge me?

"Miss Morales, one of your professors also tell me the same thing." Surely, it was Prof. Flores.

Tinignan ko nang diretso si Ma'am Magenda. "Ma'am, do they have proofs po?"

Hindi ko nakitaan ng kung anong emosyon si Ma'am. Kahit galit, awa, o kung ano.

"Marami raw ang sentiments ng dati mong schoolmates sa'yo. Hindi raw nakakapagtakang kaya mong gawin ang ginawa mo noong highschool ka ngayong college."

Kumunot ang noo ko. "Wala naman po silang ganuon kalaking katibayan."

Ma'am Magenda pursed his lips because of my words. "Still, Miss Morales... There are back stories and witnesses from your past cheating incident."

"Your other professors are already doubting you. Clean your name before the final exam. Dahil hindi ako sigurado kung makakapasok ka ulit sa Dean's List."

Akala iyon na ang huling sasabihin niya. Pero dinugtungan niya pa ito na lalong nagpapuyos sa nararamdaman ko.

"You know, Miss Morales. Alam naman namin ang pinagkaiba ng estudyanteng nais magexcel dahil sa sipag at pagdadaya..."

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon