Chapter 22

26 7 8
                                    

Beginning

Making a choice is always my fear. My head turns into unexplanable thing when I have to make a choice, is that or that? What's better? What's great?

"Hays," napabuntong hininga ako at tumitig ulit sa mga paru-parung lumilipad sa ibabaw ng ilang namumukadkad na bulaklak kahit dapit-hapon na.

I can't make a choice. Sa lahat ng bagay ayaw kong gumagawa ng desisyon dahil sa takot ko. Naalala ko pa nga noong magfirst year ako.

"Anak, saan mo gustong mag-aral?" tanong ni Papa sa akin. Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin naman ako sa tv at nanunuod ng doraemon.

"Pa, eh, ikaw na magdecide. O kaya tatanungin ko si Cloe, tapos kung saan siya mag-aaral, doon din ako!!"

Masaya, iyon ang tingin ko noon kapag hindi ko na kailangang pumili kase may ibang tao na gagawa nun para sa akin. Pero habang lumalaki ka pala hindi mo na mapapasa sa ibang tao ang bagay na 'yun.

"Hi, ang cute mo..." anas ko nang dumapo ang isang butterfly sa kamay ko. Tinignan ko ito, hahawakan ko sana ito nang bigla na naman itong lumipad.

I noticed how it freeze on a certain spot on the air. "Hindi ka rin ba makapili?" natatawang tanong ko sa maliit na nilalang.

Madaming bulaklak na namumukadkad sa harapan niya, at siguro ay hindi rin siya makapili kung saan siya dadapo. Kung saan mas ligtas, kung saan mas magbebenifit siya, o saan siya mag-eenjoy.

Lumipas ang ilang minuto pagtitig ko sa paru-paru ay tumayo ako para pumasok sa loob ng bahay. Nasa pinto na ako na patungo sa kusina nang makasalubong ko si Papa.

Tinaasan ako nito ng kilay, "Sunod ka.."

Tumango ako kay Papa at sumunod sa likod niya. Ilang weeks na rin simula nang nakapag-usap kami ni Papa ng masinsinan, ano kaya ang pag-uusapan namin ngayon.

Dumiretso si Papa sa garden na nasa likod ng bahay kung nasaan ako tumambay kanina, umupo ako sa tabi niya nang umupo siya sa nag-iisang parihabang upuan na naroon.

"Kanina ka pa po ba nakauwi, Pa?" tanong ko rito.

Tumango siya, at tumingin sa akin saka ngumiti, "Binilhan na rin kita ng fried chicken at blueberry drink mo. Alam kong kailangan mo 'yun ngayon.."

Sa narinig ay unti-unting umusbong ang ngiti sa akin. Hearing my father's voice brings comfort to me.

"Salamat, Pa. Pero bakit mo po nasabing kailangan ko 'yun?"

"Anak, anak kita, ilang taon din na ako lang ang mag-isang nag-alaga sa'yo.."

Natahimik ako.

"Anak, anong problema?" tanong niya.

Hindi ako umimik o tumapon man lang ng tingin sa kaniya, ngunit inabante ko ang katawan at dahan-dahang ipinatong ang ulo sa balikat niya.

"Pa, nandito na naman ako. Naiipit na naman ako sa sitwasyong na kinatatakutan ko.."

Andami-dami kong problema ngayon pero sa tingin ko ito ang dapat na una kong solusyunan.

"Pa, two guys are trying to make their way to my heart right now, at pareho po silang inaya ako sa prom. Mas mabuti po siguro na huwag na lang ako umattend, anuh?" tanong ko habang pinapanuod ang paggalaw ng mga ulap sa langit.

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Papa, "Anak, hindi palaging solusyon ang pagtakas..."

"Pwede rin namang hindi ako pumili, hindi ba?"

Tumango si Papa. Akala ko iyun na ang sign na hindi ko na kailangang mamili pero may sinabi naman siya agad.

"Pero ayaw mo bang sumaya, Essa?"

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon