Chapter 5

29 7 13
                                    

Scrunchie

"So sasama ka ba? Don't worry my treat."

Nakaawang bibig ko habang nakatulala kay Hajio. Hindi ko naman ineexpect na totoo ang nangyayari ngayon. He is inviting and treating me for lunch!

"S-sige..." Nahihiya naman akong magsabi ng hindi dahil ako na nga itong may favor sa kanya at hindi siya nireplyan sa chat. It is just a typical Hajio, narinig ko na rin kaseng mabait talaga siya sa lahat kahit na mukha siyang ice at hindi natitinag.

Ngumiti si Hajio nang magaan sa akin bago magresume sa paglalakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa makatapak kami sa harap ng isang kainan. Nauna siyang pumasok at sa hindi ko inaasahan ay binuksan niya pa ako ng pintuan.

"Thank you," pagpapasalamat ko na hindi man lang nakatingin sa kanya. Nakakaramdam pa rin kase ako ng hiya.

Pagkapasok namin ng resto ay puno ito, may mga estudyanteng galing pang ibang school, meron din kaming schoolmates, at meron ding mga office workers na siguro nagttrabaho sa malapit na kompanya dito sa street na 'to. At ang hindi ko maitatanggi ay nakakuha agad ng atensiyon si Hajio pagkapasok pa lang namin.

"Anong gusto mo?" agarang tanong ni Hajio nang makahanap kami ng lamesa.

"Ah, wala, may baon ako, Hajio..." Nagulat siya sa sagot ko.

"Kase nagluto si Mama kanina ng paborito kong ulam." Hindi ko alam kung bakit ako nagpaliwanag sa kanya basta narinig ko lang ang sarili ko.

"I see, still, I'll treat you a drink na lang," ani niya at hindi na ako pinasagot pa dahil tumalikod na siya para pumunta sa counter.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nasa counter na siya. Pinagsasampal ko pa ang sarili ko kase parang hindi totoo.

"What, Ces. You had a chance to eat a lunch with Hajio, tapos sa labas pa."

Kahit ako lang ang nagsabi nun sa sarili ko ay ramdam ko ang pag-init ng pisnge. Bakit ba mahirap baliwalain ang pagngiti ni Hajio at ang malamyos niyang boses. Para siyang naglalambing kung nagsasalita.

Nang nakita ko na siyang pabalik sa pwesto namin ay agad-agad kong binuksan ang bag para ayusin ang baon ko. Nilabas ko ito at pinatong sa lamesa.

"Dadating na rin mamaya ang order..."

Ipinatong niya ang number sa lamesa at umupo sa harapan ko. Nasa pinakagilid kami ng restaurant, hindi sa harapan ng kalsada pero sa likod. Nagulat pa ako nang makita kong may garden pala sa labas. Siguro ay garden iyon ng may-ari.

Wala ni isang nagsasalita sa amin ni Hajio dahil siguro wala naman kaming kailangang pag-usapan.

"May importanteng lakad si Kairus, kaya siguro hindi niya naibigay sayo ang file ng personal..." pagbabasag ni Hajio sa katahimikan sa gitna naming dalawa. Namumula naman ako habang pinapakinggan siya.

"Ah, ganuon ba? Nakalimutan ko kaseng kunin din sa kanya kahapon at ngayon ko lang naalala," pagsagot ko rito.

Tumingin lang siya sa labas bago bumuka ang bibig niya, "Kairus said you blocked him." He supressed a laugh.

"Ha? E-eh s-sorry," nahihiyang ani ko. Sasakalin ko talaga si Kairus dahil pati 'yun alam pa ni Hajio. Chismoso ba siya.

"Haha, don't worry, alam ko naman na hindi talaga kayo magkakasundo nu'n, you're a serious type of girl, while he, sobrang makulit and playful."

"Huwag kang mag-alala, my brother's not angry..." wika niya pa. Natigilan tuloy ako nang magsink in sa akin ang sinabi niya.

My brother's not angry...

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon