Rejections
"CLOEEE GENERAL!!!"
Nayanig ata ang buong bahay namin dahil sa napakalakas kong sigaw. Patuloy na nakangisi sa akin si Cloe at painosenteng nakatingin.
"What, birthday girl??" she teased again. Inirapan ko siya at hinampas ng unan, "Lumayas ka!!"
"Ayoko!" Lalo ko siyang siningkitan ng mata at hinampas ulit ng unan. Narinig ko ang tawa niya nang makitang bumusangot ako lalo. Inayos ko ang buhok at tamad na bumangon mula sa kama.
"Ikaw naman, Ces. Sige na mag-ayos ka na run!" ani nito. Binelatan ko na lang siya at pumanhik papuntang Cr.
I yawned before I stare at my own reflection in the mirror. Sadyang gumuhit ang ngiti sa mukha ko.
"Happy birthday, Cesia!" I greeted. It was 21st of December eighteen years ago when I was born without my consent.
Ala-sais pa lang ng umaga pero gising na gising na ako dahil sa kaibigan kong si Cloe. Gusto niya raw ay siya ang pinaka-unang babati sa akin na siyang ginagawa niya na for almost all of my birthdays.
"Ang anak ko, dalaga na!!" May malaking ngiti sa mukha ni Papa nang makita niya akong papasok ng kusina namin. Nakaupo silang apat sa hapag.
Kumuha ako ng isang pancake at kinain ito. Si Cloe naman ay kumakain na at kanina pa ata. Mas nauna pa nga siya sa akin.
"Happy Birthday, Ate!" maligayang bati ni Marian. Ngumiti ako sa kaniya. Natawa pa ako nang bigla na lang siyang umalis sa upuan niya at pumunta sa akin para yakapin ako. "Thank you, Marian.."
Nakangiti lang na nanunuod sa amin sina Mama at Papa. Matapos naming kumain ay lalong umingay ang bahay. Nagsimula na sa pagdesign sila Papa at Mama sa likod ng bahay kung saan may maliit na garden doon si Mama at mumunting space na kung saan gusto nilang dausin ang maliit na salo-salo mamaya.
"Ma, sabi mo maliit na salo-salo lang, bakit naman ang dami nitong baloons, tapos kumuha ka pa ng organizer para rito..." reklamo ko habang pinaglalaruan ang pulang baloon sa kamay ko. Wala naman kaseng kaso sa akin kung maliit lang na salo-salo. Ang mahalaga ay magkasama kaming lahat.
"Anak, pagbigyan mo na kami...Dadating din mamaya ang mga pinsan mo," sagot ni Mama. Nagkibit-balikat na lang ako.
Nang tignan ko naman si Cloe ay masamang tingin ang pinupukol nito sa akin, "Ano!"
"Puro ka reklamo, Cesia Morales! Mag-enjoy ka na lang kase!" saway nito.
"Tse!!"
Naging abala lahat sa bahay pagkalipas ng bawat minuto. Tumutulong na lang ako at hinayaan na lang sila. It's my birthday, I should feel nice and enjoy it. I am finally legal.
"Cesiaaaa mahal koo!!!" Taas-kilay kong tinignan si Ava nang pagkapasok na pagkapasok nito sa gate ng bahay namin. Kakababa niya pa lang sa sasakyan nila ay naka-sabit na sa hangin ang dalawang kamay nito at ang lakas lakas pa ng boses niya.
"Ava!!" sigaw rin naman ni Cloe at siya pa talaga ang yumakap kay Ava. Pinaikot ko na lang ang mata sa kanilang dalawa at nilapitan.
"Ano ba, Clo. Halata naman masyado na miss mo ako!" asik ni Ava kay Cloe. Natawa naman ako nang umarteng nasusuka si Cloe at masama ang tingin kay Ava.
Mga baliw.
"Kapal kapal mo naman, baka ikaw kamo!" sagot naman ni Cloe kay Ava kaya nag-inarte rin nito na parang nandidiri. Ang sumunod na nangyare ay natawa na lang kaming tatlo habang naglalakad papasok ng bahay.
"Ano, Ces. Sabi ni Cloe dadating mga gwapong pinsan mo. Reto mo ako ha!"
Pinanliitan ko ng mata si Ava sa sinabi nito. Iw, gusto niya atang makipinsan sa akin.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...