Chapter 33

23 6 0
                                    

Yellow

"Nanliligaw ba ulit si Kairus sa'yo, anak?"

"Pa!"

"Eh si Hajio? Magpapatalo ba?"

"Ma, naman!"

Tumawa ang dalawa, masayang masaya dahil sa pinanggagawa nila sa akin. Umirap ako at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagbuhat ng halaman papunta sa likuran ng bahay namin.

"Tama na muna 'yan, Cesia! Meryenda muna tayo sa loob.." aya ni Mama Maria.

Ngumiti ako, "Teka lang, Ma, mauna na lang kayo ni Papa.."

Pinagtaasan pa ako ng kilay ng Papa ko bago siya magpahila kay Mama papasok sa back door namin na nakakonekta sa kusina. Nagkekwentohan at nag-aasaran pa silang dalawa habang naglalakad. Parang teenager talaga kung umakto.

"Lumaki kayo," bulong ko sa mga halaman na nakatanim sa maliit na paso na nilalagay namin dito sa garden. Maliit pa lang sila at kailangan nilang lumaki. Lalo na ngayon na ito na ang hanapbuhay ni Mama.

Nawili pa ako sa pag-aayos ng mga paso. Ilang halaman pa ang naarrange ko nang may taong lumabas mula sa pinto mula sa bahay.

"Ces!!"

Sa paraan pa lang ng sigaw niya ay kilala ko na kung sino siya.

Pinupunasan ko ang pawis nang lingunin ko si Avi na nagtitingin na ngayon sa namumulaklak na sunflower sa gilid ng bahay.

"Oh, nakauwi ka na? Ang bilis naman!" hindi makapaniwalang saad ko.

Naglakad ako patungo sa kinatatayuan ni Avianna habang inaalis ang suot na gardenning gloves.

"Ang ganda talaga ng sunflower, Ces. Bigla na lang nawala ang inis ko!!"

Binalik ni Avi ang atensiyon sa bulaklak, sinisimot simot niya ito at may binubulong bulong pa rito. Inis?

"Bakit? Ano ang nangyari?"

Sinundo kase siya ni Maxim dito kanina dahil dadalhin daw ito sa bahay nila. Ipapakilala niya raw ito sa mga magulang niya dahil kaarawan ng Papa niya. Ang wika niya rin ay papatanuyan na niya sa Papa niya na hindi siya bakla, na labis na ayaw ng kaniyang ama.

"Pinauwi ako pagkatapos ng tanghalian. Mag-uusap daw sila.." May pait sa boses ni Avi.

Tinanguan ko siya kahit na may mga tanong na bumabagabag sa akin. Ayaw ba sa kaniya ng mga magulang ni Maxim? Dahil sa probinsiyana siya, simple, at hindi katulad ng mga gusto ng mga magulang ni Maxim.

I frowned with the idea. "Hayaan mo na muna, Avi. Pumasok na lang tayo.."

Pagkapasok namin ni Avi sa kusina ay sumalubong sa amin sina Mama, Papa, at Marian na kumakain ng sopas. Nakaramdam agad ako ng gutom nang makita iyon.

Summer vacation namin ngayon, dahil sa planong pagbubukas ni Mama ng una at bagong negosyo ay agad akong umuwi rito sa bahay. Isinama ko na rin si Avi dahil hindi siya makakauwi sa kanila. At isa pa ay inaaya rin siya ni Maxim na ipapasyal ito sa bayan namin. Higit sa lahat ay miss ko na ang simoy ng Laguna.

"Avi, wala ba kayong lakad ni Maxim bukas?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin sa akin si Avi habang nagsasalok ng pangalang bown na niya ng sopas.

"Wala naman."

Dahil wala namang lakad si Avi ay isinama namin siya ni Mama sa pagpunta sa bahay ni Tita Alma kinabukasan, sa bahay nila ni Ate Alycone. Matagal na rin simula nang nakita ko sila at nakapagkwentuhan.

"Mama, malapit na pala makapaggraduate si Ate Alycone 'nuh?"

Tumango si Mama sa akin, tanda ng pagsang-ayon niya. "Kaya nga, anak eh. Ang dami ring napagdaanan ng batang 'yun, kaya nga proud na proud ako sa kaniya."

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon