tw// trauma and depression.
Misery
Hindi ko na narinig pa ang sumunod nilang pinag-usapan. I ran as fast as I could just to go away from them. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa Vigora.
Kaunti pa lang ang tao na naroon nang dumating ako. Halatang kakaopen pa lang ng club at mabuti nga at pinapasok ako ng bouncer. I lost my mind so I ordered hard liquors to the bartender.
I spent how many hours thinking in the bar. Hindi ko nabilang kung ilang baso ng inumin ang nainom ko bago ko napagdesisyonang umuwi sa apartment. It was the first time that I went home, wasted at suot suot ko pa mismo ang uniform ko.
While staring at myself in the full length mirror I sarcastically chuckled.
Lupaypay ang mga mata ko. Nakakalat na rin sa gilid ng labi ko ang lipstick. Magulo ang umiform ko at ganuon din ang buhok ko.
For the nth time my tears cascaded from my eyes again. Napaupo ako sa sahig at isinawalang bahalang kaharap ko pa mismo ang salamin. I look like a mess pero hindi pa ito sapat, mas magulo ang buhay ni Hajio at Kairus dahil sa akin. I deserve more than this mess.
Hindi ko namalayan na matutulugan ko pala ang pag-iyak sa sahig. Masakit ang katawan ko pagkagising. Alam kong may pasok ngunit nang naligo ako ay nagsuot ako ng isang simpleng t-shirt at jeans.
Dinampot ko ang bag, dinala ang lahat ng pera ko, at ang cellphone bago umalis. Nang buksan ko ang cellphone ay agad na sumalubong ang napakaraming text messages at missed calls ni Hajio. Wala akong nireplyan kahit isa, ni-off ko rin ang cellphone dahil ayaw ko muna siyang makausap.
Hindi pa sumisilip ang araw ay lumabas na ako sa apartment at nagbantay ng masasakyan. Umuwi ako sa Laguna ngunit hindi ako dumiretso sa bahay.
Naabutan ko ang isang sapulturero nang marating ko ang sementeryo. Binati pa ako nito nang magkasabay kami pumasok.
Parang nilagyan ng bakal ang mga paa ko dahil napakabigat ng bawat paghakbang ko. Nang makadating ako sa musuleyo ni Tita Hailey ay ulit na sumulpot ang mga luha ko.
My heart is breaking while caressing his tomb. I felt a big lump in my thoart and lingering pain in my eyes dahil sa hindi mapigil na pag-iyak.
"I'm...sorryy..tita..I'm sorry..." my voice is full of remorse.
Lalo akong napahikbi nang biglang umihip nang malakas ang hangin ay isinayaw ang buhok kong naka-pony tail.
Naiisip ko ang pinagkaiba ng sitwasyon ni Hajio at Kairus noong hindi pa ako sumulpot sa mga buhay nila. They are living their dreams together. They both grew in a broken family at alam kong dahil doon ay naging magkasangga silang dalawa. Pero dahil sa babae...dahil sa akin...ay nasira iyon.
Hindi na sila okay. At sinisi pa ang isa't isa sa pagkamatay ng Mama nila na ako ang totoong dahilan.
Puno ng gulat si Mama nang bigla akong magpakita sa bahay. Wala si Papa dahil nsa trabaho ito. Dinahilan kong may kailangan lang ako gawing importante kaya biglaan akong napauwi ng Laguna.
Nagmukmok ako sa loob ng kuwarto ko buong maghapon. Everything is haunting me again... If I can keep the both of them in the past edi sana hindi naging ganito kahirap at kasakit ito ngayon...
Kung pinili ko bang pilitin na ayusin ang pagsasama nila Mama at Papa noon ay buong pamilya pa kaya kami ngayon. Kung hindi kaya ako umalis ng sports club noong high school at hindi na sumali sa lit club ay buhay pa rin kaya si Tita Hailey ngayon?
Often times because of the circumstances of our choices pinagsisihan natin ito. Ang daming what ifs. Gustong gusto natin balikan ang nakaraan para itama ang desisyong iyon dahil sumusobra na ang hirap na naging bunga nito.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...