Chapter 20

29 7 9
                                    

End

A scandal came after that incident. I was called by my advicer and subject teachers and luckily hindi na umabot pa sa principal's office.

"Oh, kaya siguro nakapasok ng section 1 kase nagcheat."

"Yes, gurl, you're right."

"Deserved mabisto, Hahahaha."

Nagpatuloy ako sa paglalakad na hindi sila pinagtuunan ng pansin. They don't worth the clout and attention. Sila ang mga kuda nang kuda pero hindi naman alam ang katotohanan.

I was walking papunta sana bleachers sa field nang marinig ang babaeng kanina pa ako hindi nilulubayan.

I looked back at her nang muli na naman siyang sumigaw,"Ano ba, Clo?" mataray ngunit malamyos kong tanong sa kaniya.

Binigyan niya lang ako ng isang assuring na ngiti at pinakita ang isang box ng red velvet cake na dala niya. Saan naman niya kaya 'yun binili.

"Tapos ka na sa mga re-test mo?" tanong nito sa akin.

"Yes maliban nga lang sa Statistics and English..."

Pinaretake kase ako ng mga subject teachers ng new test dahil nga sa nangyari. They considered my scores 0 kaya kailangan kong magtake ulit ng test kung ayaw kong magtapos ng highschool na puro 75 ang grades sa fourth quarter.

"Ayaw ka ba ni Ma'am Gabriela na iparetake?" nag-aalalang tanong niya ulit.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa field. Maraming tao roon dahil sa hindi naman na mainit at walang klase na ang lahat.

"Oh sige, kumain na lang muna tay-"

Inosenteng tumingin si Ava kay Cloe na nagdugtong ang mga kilay nang makita siyang binubuksan na ang box ng cake na nilapag nito sa tabi kanina. Ang epic din talaga nila maging mag-enemy.

Sa sandaling iyon ay nakalimutan ko ang mga problema ko sa buhay. Cloe and Ava are my best girls and sapat na sila para maging kontento ako sa kaibigan na meron ako. They are my biggest flex, my bestfriends na never akong binigo, na palaging nariyan para suportahan at protektahan ako.

"Anyway, Ces and Clo, kakaannounce lang ni Ma'am kanina about sa prom."

"Next week na siya and required ang partner!!!" Itinaas ni Ava sa ere ang kamay na agad namang inabot ni Cloe at sabay silang sumigaw.

"Ahhhh!!! Finally!! Aariba na ang Cloe niyo!!"

Naaaliw akong pinapanuod sila. About sa prom ay wala akong plano na baguhin ang first plan ko na hindi umattend.

"Oh anong mukha 'yan, Cesia? Hindi ka aattend?" Nakataas ang kulay at maasim na nakatingin sa akin si Cloe.

Ngumiwi ako sa kaniya tanda na totoo ang sinabi niya. Lalo tuloy na sumama ang ekspresyon niya sa akin.

"Tutulungan ka namin na makumbinsi si Ma'am Gabriela, basta umattend ka!" nagtatampong pamimilit nito sa akin. Syempre hindi ako nagpadala.

"Umattend ka na.. Panigurado namang aayain ka ni Hajio para maging date.."

"And syempre sa akin naman si Kai!" maligayang ani nito.

Tumayo pa si Cloe at humawak sa bewang niya na parang gumagawa ng pose. Pumanget naman ang expression ni Ava para inisin siya. "Ew, feeler mo naman, Clo. Halatang ayaw sa'yo ni Kai eh.."

"Hahahahah!" Ansama ng tingin ni Cloe kay Ava at bigla nitong kinuha ang maliit na slice ng cake sa kamay nito at kinain. "Edi sana hindi ka na nakikain sa cake ko!"

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon