Chapter 26

26 7 7
                                    

Remedy

Naging sobrang hirap ng lahat. Everyday for me is a burden, and a new day to cry and mourn over my broken and shattered heart. Ang muling pagkawala ng mga taong mahalaga sa buhay ko ay lalong nagpalalim sa sakit na dala-dala ko simula nang nagka-isip.

"Pa!!" sigaw ko pagkabalikwas mula sa paghiga sa kama. Madilim ang paligid at nabalot agad ng lamig ng alas-dos ng umaga ang katawan ko.

I can feel my body shaking, and my tears falling down on my face again.

Agad kong nilagay ang kamay sa bibig para pigilang lumabas ang mga hikbing dala ng iyak. Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng paparating na mga yapak at ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.

May maliit na liwanag mula sa labas na pumasok mula sa siwang ng kwarto. "Cesia.." And there's my father with his worried face. Agad siyang pumasok at tumakbo papalapit sa akin.

Hindi ako sumagot. Sumiksik ako sa gilid ng kama, at umupo nang maayos. Niyakap ko ang mga tuhod, at tinago ang mukha roon.

"Anak, hindi ka na naman ba nakatulog nang maayos?" agad na sabi ni Papa. Nakaupo siya sa harapan ko, sa gilid ng kama.

Umiling ako kasama ng malakas na paghagulhol. Gabi gabi na lang ako ganito. Gabi-gabi ko na lang iniinda ang lahat.

"Anak, halika nga dito sa akin..." malambing na sabi ni Papa. Tumingin ako sa kaniya, nang makita ko ang maamo niyang mukha ay agad akong nagpasakop sa mga bisig niya.

"Cesia, mahigit tatlong araw ka nang nandito. Tawagan ba natin ang Papa mo?"

Hindi ako umimik. Nakatutok lang ang mga mata ko sa pavement na dinaanan ni Mama. Babalik siya. Babalikan niya ako....

"T-tita Maria..." Hindi nagsalita si Tita Maria at niyakap ako. Sumiksik ako sa kaniya habang siya naman ay hinahaplos ang likod ko para pagaanin ang damdamin ko ngayon.

Araw-araw kong inaabangan si Mama sa playground kahit takot akong balikan ng babaeng sumubok na kumuha sa akin. Naghintay ako pero hindi pa rin bumabalik si Mama. Ni kahit ang kaibigan niya ay hindi man lang dumating para sunduin ako.

"Tita, gusto ko nang umuwi kay Papa..." paos kong sabi kay Tita Maria. Pinaharap niya ang mukha ko sa kaniya at tumango sa akin. "Ibabalik kita kay Papa mo. Okay?" Ngumiti siya nang matamis kaya nahawa ako dahilan na may maliit na ngiting sumibol sa mukha ko.

Pagkasabi ko noon kay Tita Maria ay agad siyang nagbigay tanong kung may nakakakilala ba kay Papa. Nasa malayo kami nakatira kung kaya't walang nakakakilala. Mabuti na lang at alam ko ang pangalan ni Papa at mayroon siyang facebook. Sa pamamagitan noon ay nasabihan siya ni Tita Maria na iniwan ako ni Mama.

Sa araw ng pagsauli sa akin ni Tita Maria ay ramdam ko ang matinding kaba at sakit. Sa batang edad ay nahihiya na ako kay Papa dahil sa kasalanang nagawa ko.

"Ikaw ba ang tatay ni Cesia?" ani Tita Maria sa lalaking nakatayo sa harapan namin.

Hindi ko tinignan si Papa imbis ay nakatutok lang ang mga mata kong lumuluha na sa ibaba.

"Oo.."

"Cesia? Anak..." sabik na sambit ni Papa sa pangalan ko. Agad siyang lumuhod sa aking harapan at dinamba ako ng yakap. Lalong umalpas ang mga luha sa mata ko nang marinig ko rin ang hikbi ni Papa.

"Sure ka bang babalik ka na bukas?" tanong ni Papa habang nakasandal ako sa kaniya.

"Opo, kaya ko na, Pa.." sagot ko na hindi man lang kinuha ang pagtitig ko sa pader. Humugot ng malalim na hininga si Papa bago ko siya narandaman na tumango.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon