Connected
"What's your section?"
"Hey, what is your section first?" Pinaikot ko ang mata sa pagsigaw ni Karius. Uhh, napakakulit niya.
"Hey, why are you asking for my section? Kung dahil sa news article, don't worry, kaya kong tapusin 'yun nang mag-isa," diretsong saad ko rito.
Dumiretso ako sa paglalakad pero hindi pa siya natinag, hinabol niya ako ulit.
"Hey, kung tungkol sa pagsulat ng article, I can help. I may look like a stupid student, but I can lend a big help," lintanya nito.
Wala naman akong problema na tulungan niya ako dahil nga pinayagan din siya ni Ma'am kanina. Pero meron akong nararamdaman na habang tumatagal ang weird na niya sa paningin ko.
Kakakilala ko pa lang sa kanya kanina, uhh, should I say, kakakilala ko pa lang ulit. He said he is also from section 1, kaklase sila ni Hajio pero iyong mukha naman niya hindi pang section 1.
Ani nga nila don't judge the book by its cover. Siguro nga iba ang pinapakita niya sa klase sa personalidad na pinapakita niya ngayon sa akin.
"Come on, Cesia. You are from section 2, right?" Napailing na lang ako sa inaakto niya.
"Bakit ka pa ba nagtatanong kung alam mo naman pala," reklamo ko sa kanya.
Binigyan niya lang ako ng malokong ngisi. Nakakainis ang mukha niya, ang sarap saksakin ng ballpen.
"May nangyayari ba?" someone talked between our conversation.
Bigla akong natigilan dahil napakapamilyar ng boses na 'yun sa'kin.
"Haj!" ani Kairus.
Tinignan siya ni Hajio at pinagtaasan ng kilay. Ang seryoso niya naman. Paano ba naman napansin kong nasa harap pala kami ng pintuan ng HQ nagbabangayan ni Kairus. Si Cloe naman ay nasa silid pa at nakikipag-usap sa ibang officers.
"There's nothing, we are just talking about our article," sagot ni Kairus at inakbayan si Haj na parang wala lang. Close ata sila dahil nga sa nanggaling sila sa iisang section.
"May problema ba about kay Kairus, Cesia?" Natulala ako nang marinig ko ulit na sinabi niya ang pangalan ko.
"Cesia," tawag sa akin ni Kairus sa tonong panunukso. Feeling close ba talaga ang lalaking 'to.
"Uhh, wala naman, Hajio," sabi ko rito at ngumiti. Ngumiti siya sa akin pabalik at inalis ang akbay sa kanya ni Kairus.
"Don't worry, he won't bite. Ganyan lang talaga 'yan," paalala ni Hajio bago ngumiti at umalis. He also tapped my shoulder.
Aahhhhhh.
"You like him, do you?" tanong ni Kairus nang makaalis na ang kaklase niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi sumagot. Eksakto namang lumabas ng room si Cloe at tila hinahanap ako. I called her and we left the English Department together.
Lunch break na nang nakabalik kami ng room. Cloe talked about her talks sa mga officers kanina. Mababait daw sila at nakikita niya ang passion ng mga ito sa pagsusulat.
"Ang swerte mo, Ces, ah!" ani pa nito nang pauwi na kami galing eskwela.
"Anong swerte ka jan? Nanalo ba ako sa lotto?" takang tanong ko dito. Napahagikhik pa siya bago sumagot.
"Oh, tumaya ka ba?"
"Whatever, Clo!" asik ko rito nang makita ko siyang tumawa.
Maliwanag pa ang kalangitan habang magkasabay kaming naglalakad ni Cloe. Marami rin kami nakakasabayang estudyante mula sa ibang school, mapaelementary man o hayskul.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...