Chapter 19

23 7 9
                                    

Real Colors

"Anong oras na ba?" I scoffed.

Inabot ko ang blue na maliit na alarm clock na nakapatong sa bed side table ko at tinignan ang oras. Alas dos na ng umaga pero hindi pa rin ako makatulog. Ilang beses ulit akong nagpagulong gulong sa kama nang maisipan kong pumunta sa kusina at magtimpla na lang ng gatas.

Tahimik ang bahay dahil syempre tulog na ang lahat. Hindi naman ako natatakot dahil may ilaw pa rin na nakabukas.

"Haist, Ces.." Ilang beses ko na bang minura ang sarili dahil ayaw pa rin akong tablan ng antok. Bwiset nitong mga nakaraang araw ay hindi man lang ako nakaranas ng kompleto at maayos na tulog.

Hinugasan ko ang ginamit kong baso at bumalik na lang ulit sa kwarto. I decided to watch a movie on my phone when suddenly a text appeared.

"Should I pick you up later?" basa ko rito.

Napabuntong hininga ako at binaliwala ang text. Kailan ba ako simulang nakaramdam ng ganito? I feel weird. I feel so confused na dapat ay kiligin dapat ako nang labis.

Parang may mali.

I got my phone again and scroll until I read Hajio's message, again and again. Pinikit ko rin ang mata at inaalala ang pagbago ng trato niya sa akin these past days.

"Ces, nahihirapan ka ba?"

"Hindi, medyo lang.."

"Ako na, turuan kita." 

"Huwag na, Kai."

"Ako na ang tuturo sa kanya."

"Ako na, Haj."

Napikit ko lalo ang mata at kinagat ang labi sa inis. Bakit parang nauurat ako ngayong parang nagkokompetesyon na ang dalawa. Pakiramdam ko lang iyon sa tuwing ako ang kasama nilang dalawa.

Binaliwala ko na lang ulit ang mga magugulong ideya sa isip ko at nakatulugan ko na lang din iyon.

Kinabukasan ay maaga pa akong pumanhik papunta sa school. Walang pasok si Marian at maagang may pinuntahan si Cloe kung kaya't mag-isa lang akong pumasok.

Wala naman talagang klase pero kailangang pumasok dahil may meeting kami sa Literary Club. Naroon na si Cloe sa hq nang makapasok ako kaya sa kaniya ako agad tumabi.

"Clo, kanina ka pa?" Binalingan ako nito ng tingin at tumango. "Oo, Ces, sorry nauna ako sa'yo kanina.."

"Okay lang, nagpaalam ka naman eh.." ani ko rito.

Lumipas ang ilang minuto ay dumami nang dumami na rin ang mga tao sa loob. Kaagad naman na tinawag ni Cloe si Kairus nang pumasok ito sa loob.

"Kai, rito ka na umupo oh.." Tinuro ni Cloe ang bakanteng upuan sa tabi niya. Malapad ang ngiti niya sa lalaki. Hindi ko alam ang reaksiyon ni Kairus dahil umiwas agad ako ng tingin at sa harapan na lang tumingin

"Ces, may umuupo ba rito?" tanong agad ni Hajio nang makapasok ito sa loob. Kinunutan ko siya ng noo. Nasa panghuling row kami ng upuan kung kaya kailangan niya pa ring pumunta sa harap mamaya. Siya ang president eh.

"Hajio, narito ka na pala. Halika na rito.." Hindi nga ako nagkamali, tinawag agad siya ni Ma'am at pinapunta sa harap. Wala namang naangal si Hajio.

Wala naman kaming ibang pinag-usapan kundi ang pagcheck sa bawat appointed article sa bawat student. Dahil tapos ko na akin ay nakapasa naman na ako. Halos naman lahat dahil next three weeks ay magdidistribute na ng yearly issue sa school bago ang graduation.

Pagkaadjourn ni Maam sa amin ay agad ko nang inaya si Cloe na lumabas para maglunch kahit maaga pa naman talaga.

"Ces..sa kanila ni Ava na lang tayo maglunch. Hintayin mo na lang pala kami rito, ako na ang susundo sa kaniya sa Social Studies..."

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon