Devastated
"Hoy, bakit ka nakatulala?" sigaw sa akin ni Ava.
Hindi ako kumibo at nakatulala na lang ulit sa kawalan. Wala naman akong iniisip pero parang nawawala ako sa sarili ko kapag nawiwili na ako sa pagtingin sa malayo.
"Anak, tapos ka na bang magtoothbrush?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Mama. Tumingin tuloy ako sa kanya na nakatayo na ngayon sa katabi ni Ava.
Tumango ako at ngumiti sa kanilang dalawa. "Opo... "
"Anong oras pa kayo aalis?"
Si Ava ang sumagot kay Mama, "Maya maya na po Tita."
Humugot ako ng malalim na hininga bago napagdesisyonan na kunin ang sling bag sa kwarto ko. Sabado ngayon at napagplanuhan naming tatlo nila Cloe na lumabas at inaya rin kami ng Mommy ni Ava na pumunta sa bahay nila.
"Ma, alis na po kami. Opo, uuwi rin po ako agad at magtetext po ako kung gagabihin," diretso kong paalam kina Mama at Papa.
Sabado kase at walang pasok sila Papa.Agad kaming sumakay ng Cab nila Ava at Cloe nang may dumaan. Nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt at maong skirt, si Cloe naman ay nakasleeveless dress, at si Ava ay nakasuot ng jeans at sleeveless top.
Agad kaming nakapuntang mall at agad agad din nila akong nahila papunta sa playzone ng mall.
"Punta tayo ng karaoke!!" aya ni Cloe. Excited pa siya at tumatalon-talon pa. Pumayag na lang kaming dalawa ni Ava at sumunod sa kanya.
Maswerte at kami lang ang tao sa loob ng karaoke room. Agad-agad tuloy na humiga si Ava sa sofa roon at si Cloe naman ay lumapit agad sa karaoke machine. May dim lights roon at tatlong sofa na pangdalawahan.
"Ayan! Ayan! Kanta ng Lany," magiliw pa na saad ni Cloe at pinindot ang numero ng kanta ng Lany kuno na gusto niyang kantahin. Umupo lang ako sa gilid at pinanuod silang dalawa ni Ava na nag-aagawan sa mic nang magsimula ang kanta. "Hoy, Cesia, bakit ba ang lutang mo!!" sigaw ni Cloe gamit pa ang microphone.
"Hindi, kumanta lang kayo," kontra ko sa kanya. "Bahala ka nga!" sabi nito at nagpatuloy lang sa pagkanta.
I stared again at the nothingness habang bumabalik na naman sa ala-ala ko ang narinig ko sa literary club last week. It's been a week since that encounter pero hindi pa rin mawala sa balintataw ko. Bakit nga ba patuloy na naalala ng isip ko tapos ako naman ay parang nadudurog. Oo, nasaktan ako. Pero tanggap ko naman.
"Ces, may problema ka ba?" bulong sa akin ni Ava.
Hindi ko napansin na nakalapit pala siya sa akin galing sa pwesto niya sa tabi ni Cloe na enjoy na enjoy pa rin sa pagkanta.
"Wala nga, Av!" sagot ko na pinapaniwala siyang wala talaga. Ayaw talaga nila maniwala sa akin.
"Ano nga? May nagbobother ba sayo?" pilit nito sa akin.
I heaved a deep breath bago siya harapin. "Kase, Av, iniisip ko kung anong magandang iregalo sa Mama mo," alibi ko sa kanya. Lumiwanag tuloy ang mukha niya at nagpakawala siya ng malakas na tawa.
"Oh bakit?" ngumungusong kong ani. Ano bang nakakatawa roon? Hindi ba siya naniniwala?
"Huwag mo na ngang problemahin iyon, Ces. Mag-enjoy muna tayo!!" bulalas nito.
Nang ngumiti siya sa akin ay may kasama iyong hila para papuntahin ako sa tabi ni Cloe. Walang pag-aatubili namang binigay sa akin ng kaibigan namin ang mic at minasahe pa ang balikat ko, "Ikaw na!!! 100 dapat ha!!" ani pa ni Cloe.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...