Chapter 15

24 7 9
                                    

Pageant

"Ano, Tito, may party ba sa birthday nitong bestfriend ko?"

"Syempre naman, Cloe anak," sagot ni Papa kay Cloe. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa at sa kanila lang umiikot ang topic na tungkol naman talaga sa akin. To be precise ay tungkol talaga sa birthday ko at sa pageant.

"Oh sige nga, Anak, patingin nga ng lakad mo," panunudyo ni Mama. Hindi lang ako umimik at nanatiling nakaupo sa sofa sa tabi ni Cloe.

"Tita, huwag ka mag-alala ivivideo ko ang performance nitong anak— Aray, Ces, ano ba!!!" Sinamaan ko siya ng tingin bago tinigilan ang tagiliran niya.

"Anak, hayaan mo na si Cloe, eh dapat talaga ivideo ang mga ganyan," ani Mama. Umirap pa ako nang nagtawanan silang tatlo ni Papa at Cloe.

"Ma, pwede namang picture lang eh!" pangungulit ko.

"Hindi, anak, dapat video kase para makita ko talaga performance mo. Syempre anak ko yan!"

Binelatan pa ako ni Cloe dahil alam niya namang hindi ko matatanggihan si Mama. May kung anong emosyon ang bumalot sa puso ko dahil sa sinabi ni Mama. Syempre si Mama pa.

"At saka, Anak, mag-imbeta rin kayo ng mga kaibigan niyo para sa linggo ah." Nag-isip pa ako kung anong meron sa linggo nang maalalang araw iyon ng kaarawan ko. Kahit ilang beses kong sinabi na ayaw kong magkaroon ng party ay ayaw magpapigil ni Papa at Mama.

Tumango lang ako at inaya na si Cloe na umalis papuntang school. We are only wearing a civilian clothes. I am wearing a jaguar trouser partnered with a white t-shirt while si Cloe ay nakared dress.

Today is the day.

"Ces, kainin mo 'tong chocolate ganache na ginawa ko." Nilagay ni Ava ang ganache sa paper plate ko at ngumiti siya nang malapad.

"Kainin mo 'yan dapat para may energy ka!" sulsol pa nito.

Kumakain na kami ngayon sa loob ng room pero ang puso ko ay hindi na makontrol ang tibok. I can't stop myself to think about the pageant. Dalawang part ang Christmas party namin. Tapos na ang Part 1 which is inside the classroom. The little games, the exchange gifts, and the foods. Ang pangalawang part naman is 'yung pageant. Mamayang hapon pa yun, alas tres dahil may last rehearsal pa kami mamaya. Si Cloe ang magmamake up sa akin, katulong din ang ibang officers ng Lit Club.

"Okay ka lang ba?" Nakangising nakaharap sa akin si Kairus habang pinaglalaruan ang straw ng softdrink na iniinom niya.

"Okay lang ako!" sagot ko rito.

We rehearsed. Ilang buntong hininga rin ang napakawalan ko bago nadatnan na lang ang sariling kinakagat ang labi dahil ilang minuto na lang ay tatawagin na kami para sumalang sa platform. The Ms. and Mr. Christmas Angels of Solor High School ay gaganapin sa malapad nitong grounds. Close gate kami at bawal ang outsiders ngunit marami ang populasyon ng paaralan, marami ang manunuod sa akin.

"Ces..." salita ng isang tao bago ko maramdaman ang marahang paghawak sa nanginginig kong kamay. Tumingin ako kay Kairus at pinagtaasan siya ng kilay.

"Kalma, kung nagdala siguro ako ng balde ay pwede na ipanligo iyang pawis mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya habang siya naman ay may mumunting tawa.

"Oh, kailan ka kaya ngingiti sa akin.." I tsked at him at hinigit ang kamay kong hawak-hawak niya pa rin.

"Goodafternoon and Merry Christmas, Students!!" I heared loud shouts from the crowd kaya lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko. Tumingin ako sa ibang candidates at tulad ko ay naaninag ko rin ang kaba sa mga mata nila ngunit naroon pa rin ang poise. We are all wearing a red dress which is only differs on its style and design. Me? I am wearing an off-shoulder plain dress which is fit on my upper body ngunit flowy ang ilalim na umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Ang mga lalaki naman ay nakasuot lahat ng plain red t-shirt and jeans paired with their own footwear.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon