Sick
"You know that you are beautiful, right?" Hajio said, almost a whisper.
Parang may kung anong bumalot sa puso ko dahil sa timbre ng boses niya at sa emosyon nito. Napatitig ako lalo kay Hajio. Ramdam ko ang init ng bawat pagdampi ng kamay niya sa mukha ko.
"Mahal kita, Cesia.."
Uminit ang pisnge ko. Tumigil sa pag-ayos ng buhok ko si Hajio, tumigil din ang kamay nito sa kanang bahagi ng ulo ko.
I bit my lower lip while staring at him. My breathing is already hitched and my heart is fast racing.
Habang nakatitig ako kay Hajio ay bumabalik sa isipan ko ang lahat lahat ng ala-ala naming dalawa. It has been a long journey together...as friends. I have been admiring him as he's becoming the best version of his self.
He was the first guy who got my attention. The first man who made my heart swells.
Napahawak ako sa matigas niyang dibdib dahil sa tensiyon sa gitna naming dalawa.
"M...mahal..din...kita..Haj.
."Napakapit ako sa suot niyang t-shirt dahil bigla niyang inilagay ang kamay sa likod ng ulo ko.
"Ashi—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ay naramdaman ko na lang bigla ang paghapit niya sa akin at ang pagdampi ng malambot niyang labi sa labi ko.
Libo libong boltahe ang naramdaman ko. Parang kinuryente ako sa kiliti, kilig na nararamdamn.
I closed my eyes and accepted his kiss. I can't move a muscle nor my lips. Hindi ako marunong humalik.
Naramdaman ko ang pagdaplis ng kamay ni Hajio mula sa ulo ko hanggang sa balikat. Ilang segundo pa ang tinagal ng halik na iyon bago niya pinutol at bigla siyang natumba sa semento.
Gulat akong tinignan ang taong biglang sumuntok sa kaniya. Nagdugtong kaagad ang mga kilay ko nang makita si Kairus na tumatangis ang bagang at masama ang tingin kay Hajio.
"What the hell is your problem!" sigaw ko sa kaniya kasabay ng pagtulak ko sa katawan niyang ambang susuntukin ulit si Hajio.
He didn't utter a single word. Dinaluhan ko si Hajio at inespeksiyon ito. Nang mapansin ang gasgas sa siko niya ay lalo akong nagalit.
Hinarap ko si Kairus na nanunuod sa bawat galaw ko.
"Ano ba ang problema mo?"
Ngumiwi si Kairus. Nakita ko ang pagdaan ng kung ano anong emosyon sa mga mata niya....na ayaw kong pangalanan.
Tinignan ko siya nang masama. Nilingon ko si Hajio at inalalayan itong tumayo. Malakas ang naging suntok sa kaniya ni Kairus. Nakakuom ako ng kamao. Ano ba ang problema niya!
"Bakit pumayag kang halikan niyan!?" Dinuro nito si Hajio sa likuran ko.
Nakakuom na rin ang kamao ni Hajio at handang sugurin pabalik si Kairus. Pilit kong inihaharang ang katawan sa kanilang dalawa dahil baka lumaki pa lalo ang gulo.
"Bawal ba 'yun? Boyfriend ko naman na siya."
Natutop ang bibig ni Kairus. Napasinghap din si Hajio sa likuran ko.
My breathing hitched when Kairus glared at me and at Hajio. He looks like he is not capable of accepting his defeat.
Napailing si Kairus..."Ganuon ba?" May pait sa boses nito.
Taas noo ko siyang tinignan.
"Happy birthday, Cesia.."
Hindi ako nakagalaw nang tumalikod siya matapos niya akong batiin. Napababa ko ang nanghihinang kamay na nakaharang sa katawan ni Hajio at napahugot ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...