Journ
Pagkaring na pagkaring ng alarm clock ko ay bumangon agad ako. Kinusot ko ang mata at tinignan kung anong oras na talaga.
"5:00 am?" Huminga ako nang malalim bago napagdesisyonan na magsimula nang mag-ayos kahit wala pa akong tulog. For pete sake ay hindi ako nakatulog ng ilang oras dahil sa pag-iisip. Wala namang dapat akong isipin maliban sa hindi malate sa oras na niset sa amin ni Ma'am.
"Ma..." nasambit ko nang masumpungan ko ang likod ni Mama mula sa pinto ng kusina. Nasa harap siya ngayon ng kalan at amoy na amoy ko ang amoy ng sinangag. Napalingon tuloy siya sa akin.
"Oh, aalis ka na ba, anak?" tanong nito sa akin at binalik ulit ang tingin sa niluluto niya. Umupo ako sa silya bago siya sinagot, "Hindi po, Ma, mamayang ala-sais pa po." Five thirty pa lang ng umaga kaya kakain muna ako bago umalis.
"Ang sabi mo tumigil ka na sa pagiging athlete kase nawawalan ka ng time sa pag-aaral pero ngayon etong journalism naman ang pinupursue mo." Hindi ko maintindihan kung ano ba ang tono ng mga salita ni Mama. Masaya ba siya kase napili ako para maging contestant o nadidismaya kase hindi ko natupad ang sinabi kong hindi na ako sasali sa mga extra curricular events.
"Hindi ko naman gusto, ma, eh. Nagulat na nga lang ako nang tinawag ako sa office para dito," paliwanag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin bago sinalin sa pinggan ang niluluto niya.
"Anak, hindi ako disappointed. Masaya ako, proud ako sayo..." malumanay na ani niya sa akin bago hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa.
Binigyan ko si Mama Maria ng isang ngiti at tango. Sa kabila ng katotohanan na hindi niya ako totoong anak ay minahal niya ako na parang kanya. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako kulang, na nariyan siya parati. And I am thankful for that, I am blessed kase nasa tabi ko siya palagi.
Ala-sais ng umaga ay bumyahe na ako papunta sa school kung saan naghihintay ang mga kasama ko. Last week ay napili ako bilang isa sa mga kandedata ng school para sa isang journalism contest. Hindi ko nga alam bakit pa ako napili kase never naman akong sumali kahit noong lower year pa ako. Pero hindi nila ako pinayagang magback-out, at pinush din ako nila Cloe at Papa.
Malayo pa lang ang napansin ko na si Kairus sa labas ng school bus, nakatayo siya roon at busy sa paglalaro sa cellphone niya. Nakasuot siya ng isang polo na nakatuck-in sa branded jeans niya. Meron pa siyang back-pack sa likod na mukha namang walang laman.
"Kairus!" tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Goodmorning, Cesia," matamis niyang bati.
"Morning," sagot ko. Nilibot ko ang tingin at tumingin din ako sa loob ng school bus. Walang tao roon.
"Nasaan sila? Hindi na ba tuloy?" takang tanong ko. Tumawa siya bago binulsa ang cellphone at kumuha ng kendi.
"May kinuha lang sila sa loob, pinagbantay nila ako rito," paliwanag niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na lang sa loob.
May mga bag na sa ibang upuan kaya alam kong may uupo na roon. Konti lang naman kaming pinadala ng school, puro galing sa Lit Club. Umupo na lang ako sa pinakalikurang bahagi ng bus at sa gilid ng bintana. Nilibang ko na lang ang sarili sa panunuod ng videos hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng ingay.
"Aalis na tayo?" tanong ko sa taong umupo sa katabi kong upuan.
"Oo, maya-maya," sagot nito. Bumilog ang mata ko nang lingunin siya. Si Kairus na naman!
"Oh bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata at inismiran bago ko nilihis ang tingin. Bahala siya.
Hindi ko naman talagang gusto ang sumama sa event na 'to pero napilit ako. Kasama pa naman si Kairus, si Anne Marie, at si Hajio. Tatlong upuan mula sa inuupuan ko papunta sa unahan ay nakita kong umupo si Hajio. Akala ko siya lang mag-isa roon kaya nagulat ako nang may umupo sa tabi niya. Si Anne Marie.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...