Malakas na sinayaw ng hangin ang buhok ko pagkababa na pagkababa pa lamang ng bintana ng sasakyan. Pumikit ako at sinimoy ang preskong pakiramdam.
Napangiti na lamang ako nang marinig ang tunog ng paghampas ng alon sa batuhan na siyang nakikipagkompetensiya sa tunog ng makina. Ilang buwan na rin ang nakaraan nang huli kong out of town trip. This time it would surely be very memorable and long. Palagi na lang hindi umaabot ng week dahil sa hectic na trabaho.
Inabot ko ang stereo ng sasakyan at pinaandar ito. Lalong sumaya ang pakiramdam ko dahil sa kantang pumuno sa aking mga tenga.
“Can't count the years on one hand that we've been together…” I hummed while tapping my fingers on my thigh.
“I need the other one to hold you… Make you feel, make you feel better!” malakas na boses na pagsabay ko sa kanta.
Napakunot ang noo ko nang mahinang tumawa ang kasama ko sa byaheng ito.
“What?” he asked, grinning.
“Sorry ha, ganda ganda kase ng boses mo eh!” I sarcastically said.
Lalong lumakas ang tawa niya. “Thank you! Alam ko ‘yun!” he said proudly bago binalik ang atensiyon nya sa daan.
Iniling ko lamang ang ulo at binalik ang atensiyon sa magandang tanawin na dinadaanan namin.
You felt the weight of the world fall off your shoulder.
And to your favorite song we sang along to the start of forever.
And after all this time I'm still into you.Napapangiti ako habang patuloy na sinasabayan ang bawat kataga sa kanta. It’s very relatable with everything that's happening in my life right now.
Surely, after everything. After all this time, we’re all still together.
Binaling ko ang tingin sa taong nagmamaneho ng sasakyan. Malapad akong napangiti nang nagtagpo ang mga tingin namin nang tignan din niya ako. Ang gwapo niya talaga.
“Gwapong gwapo ka na naman sakin!” I rolled my eyes. Hindi niya nabasa ang isip ko, sadyang self-aware lang siya sa bagay na ‘to.
“Sinasabi mo. Nagsasawa na nga ako diyan sa mukha mo eh!” I grimaced when his forehead creased. Masama niya akong tinignan.
Malakas akong tumawa. Hindi siya sumagot at pabalik-balik lang ang tingin sa akin at sa kalsada. Ilang minuto na lang naman bago kami makakarating sa resort kung saan gaganapin ang okasyon na pupuntahan namin.
Natutop ang bibig ko nang maramdamang pumatong ang mainit niyang palad sa kaliwang thigh ko. Bumalik ang ngiti ko lalo na nang marahan niya itong piniga. His tactics!
“I’m so excited, love,” galak kong sabi. “May second baby na kami sa circle!”
Finally, after ilang years ay nasundan na rin kase ang anak ni Avi. Now it’s Ava who’s having a baby.
Sinalubong agad kami ng staff pagkarating naming sa resort. Ang pamilya naman ni Ava ang may-ari nito kung kaya’t alam na nila ang pagdating namin. Kami ang nauna at wala pa ang iba kung kaya’t dumiretso na lang kami sa hotel room para magpahinga muna.
Alas tres na nang hapon nang makumpleto kami. Sa rooftop ng isang malaking restaurant sa gitna ng resort gaganapin ang dinner, na siyang hindi pa ang highlight ng celebration ng bakasyong ito.
Nagsuot lamang ako ng white polymer off shoulder dress at nakahigh ponytail ang mahaba kong buhok. Lampas lang naman ito sa kili kili ko, chestnut brown ang kulay nito ngayon.
"Beautiful as always," Kairus whispered. I rolled my eyes.
Pinagpatuloy ko lamang ang light make up na ginagawa sa mukha. Siya naman ay nakaupo lang sa kama habang naghihintay sa’kin.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
أدب المراهقينThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...