EPILOGUE

57 6 0
                                    

The Finale

Life is made up of an infinite amount of choices. From the day we were born until we will die, we all need to make a choice. From the simpliest kind of choice to the most important one. What time we will wake up? What we will eat for lunch? Where we choose to live? What kind of work we'll be applying for?

Our choices are impactful, after we made it up, what happened after reflects it. Each of us were given our own mind to think and to be capable of chosing. Making our own choice to what to do in our own lives is an important thing because it gives meaning in our lives. It makes us more independent, and in charge of our own lives.

"Can I have a blueberry pie, moist cake, and a frappe?"

Nang tumango ang babaeng nakabantay sa counter ay tumungo ako sa lamesa na nasa dulo ng cafe. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng lugar. Maganda ang motifs nitong maroon, black, at dirty white.

"Thank you." Ngumiti ako sa waitress.

"You're welcome, Madam," wika niya na may british accent.

Nang umalis ang waitress ay itinuon ko na ang atensiyon sa order ko na nasa lamesa. Kumakalam ang tiyan ko kaya agad ko itong tinikman.

"Uhhh, it's tasteless.." I grimaced and placed back the moist cake in the plate. Wala ba silang sugar man lang?

Iyong blueberry pie naman ang tinikman ko, umaasa na hindi rin masama ang lasa nito.

"Ang pangit ng lasa." Pinikit ko ang mata dahil sa iritasyon. Nang tikman ko naman ang frappe ay napakapait nito.

"What kind of cafe is this? Their products are all bad."

Tumingin ako sa counter at ang may iilang customer doon. Tinignan ko ang mukha ng ibang customer at tila nag-eenjoy naman sila sa mga pagkain. May bias ba dito?

Napangiti ako mula sa kawalan nang biglang may babaeng umupo sa harapan ko at nakanguso.

"Grabe, what kind of friend is her! Walang magawa kundi siraan ang business ko!" she hissed.

I sarcastically chuckled at her.

Napailing nito ang ulo. Inayos niya ang pagkakaupo at hinigit patungo sa kaniya ang mga pagkain na order ko.

"Hoy, akin 'yan!" I jokingly slapped her hands to stop her from robbing my food.

Inilabas lang nito ang dila sa akin at binelatan ako. Sa huli ay nag-order din siya at magkasama kaming kumain.

All what I said a while ago are just jokes to piss this girl off.

"Why are you here anyway?" She is raising her right eyebrow at me.

I pursed my lips. Nilapag ko ang tinidor sa gilid ng plato at tinuon ang atensiyon sa kaniya.

"I'm going home for Papa's birthday. Sasama ka ba?"

Agad na nagulat si Ava sa sinabi ko. Pinanlakihan ako nito ng mata at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"What? Hindi ito joke time ah!" she teased.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon