Chapter 23

27 7 12
                                    

Choices

"So iyon si Hajio?" Nakaawang ang bibig ni Cloe na nakatingin sa akin.

Kinurot ko siya sa siko nang mahina at nahimasmasan siya.

"Yes, yes, ang gwapo 'di ba, lalo na si Kairus.." saad nito na inirapan ko.

"Hmm.." Tumango ako.

Nakatayo pa rin kami sa kinatatayuan namin kanina at gulat pa rin sa nangyari. Ngumisi sa akin si Cloe, tinaasan ko naman siya ng kilay, "What?"

"Crush mo 'nuh!!" malakas na sabi nito sa gitna ng ingay ng mga tao sa paligid namin.

"Sino?'Yung Hajio?" Ngumiti siya nang malapad sa akin, inaasar talaga ako dahil alam niyang hindi naman ako interesado sa kahit sinong lalaki.

"Hindi, Clo! Nagulat lang ako!!" depensa ko para lalong lumapad ang ngisi sa akin ni Cloe.

"Eh, si Kairus?"

Tinignan ko siya nang masama dahil halata sa tono niya ang pang-aasar.

"Hindi lalo!!" agaran kong sabi.

Nang-aasar na nakatingin pa lalo sa akin si Cloe bago niya ako tinalikuran na patawa-tawa pa.

I rolled my eyes before following her, tumingin ako sa mga booth sa palibot ng grounds at sa hindi inaasahan ay nagtagpo ang mata namin ng isang lalaki kumakain ng corndog sa hindi kalayuan.

I grimaced when I saw him winked at me.

Pa-cool.

That is my first impression to him...with Kairus.

He has this personality that I don't want. He looks playful. Like the guy who flirts, but most likely not to commit or end a relationship fast. Tulad sa mga lalaking buong high school life kong iniiwasan.

"So if you will compare Kairus and Hajio, who's better?" ani ng isang 3rd year hindi kalayuan sa akin.

"Hmm, they have their own strengths and weakness eh.." sagot ng katabi nitong barkada niya.

Tatlo silang nag-uusap sa likod, katatapos lang ng meeting namin dito sa Lit Hq pero pwede pa namang magpalipas ng oras dito. Wala si Cloe dahil may meeting pa sila sa SSG.

"Hajio is a good guy, mabait siya diba, approachable, magaling sa leadership pero marunong naman siya makisama kahit mukhang snobber at geek.."

I nodded my head seconding what she said. Totoo naman eh.

"Whil Kairus is the fun guy, but more radiates the character of a bad guy and a playboy. Alam niyo naman si Kai, commonly known 'yan dito sa school, gitarista, nagkukulay ng buhok at may piercing, at may mga speculations pa sa kaniya na nambubugbog siya noon sa likod ng school, at nagpapaasa siya ng babae."

"Yeah, yeah..tama." I agree.

Honestly, hindi naman bad boy ang image ni Kairus dahil sa masamang ugali o ano, but just because it's his vibe dahil na rin sa porma niya, at personality na playful. And that's why I don't like him.

"Cloe, anong problema? May nakaaway ka ba?" I asked Cloe. Nakabusangot ko kase siyang naabutan dito sa bahay nila nang nagdala ako ng meryenda na niluto ni Mama. Kadalasan din itong ginagawa namin.

"Not now, Ces, wala ako sa mood," ani nito na hindi man lang ako tinapunan ng pansin— actually that's her when she is not in the mood. Paniguradong may masamang nangyari sa kaniya.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon