Chapter 18

26 7 8
                                    

Table Turns

"Goodmorning, Section 1. Remind ko lang, first week of march ang final defense niyo. Make sure to finish your research and submit it to me at the end of February," announcement ni Ma'am.

Nakikinig lang kami lahat sa kaniya at inaabangan ang iba pa niyang sasabihin. Kung sino ang teacher namin sa Research ay siya rin ang adviser namin.

"Also there are big events na mangyayari sa march, the school will hold a prom for the respective fourth years students, the foundation day before that, and also the last quarter exams."

"Ma'am, una po ang exam sa prom?" tanong ni Eule na siyang secretary rito sa room namin. Napatango naman ako, oo nga, kadalasan February o January ang prom last school years.

"Yes, ang sabi ni Ma'am Cassian ay mauuna na ang exam ng mga estudyante lalo niyo para makafocus kayo sa exam," sagot ni Ma'am. Nag-agree na lang kaming lahat at pagkatapos noon ay tinapos na ni Ma'am ang klase namin.

Malayo pa naman ang prom at ang exam kung kaya't hindi pa dapat na problemahin. Last year naiplano ko nang hindi sumipot dahil sa pinapayagan naman ng teachers iyon. Okay lang naman sa akin ang magsuot ng mga gowns, but the fact na ang dami daming kailangang paghandaan para roon. Sa pag-iisip pa lang tungkol doon ay tinatamad na ako.

"Excited na ako sa prom!!" sigaw ni Cloe. Iniling ko na lang ang ulo. Sigurado naman akong hindi papakabog etong babaeng 'to sa prom.

"Aayain kaya ako ni Kairus? Kapag hindi siya ang aayain ko," wika niya.

"Ikaw, Ava, kayo na ba ni Edzel?" Binalingan ko ng tingin si Ava na nakaupo sa tabi ni Cloe. Nasa school grounds kami ngayon, nasa bleachers at kumakain ng ice cream.

Namula si Ava at nahihiyang iniwas ang tingin sa amin. "Waaahhh! Ava! Totoo?" gulat na saad ko nang makitang tumahimik siya at marahang tumango.

What!

"Nanliligaw pa lang...pero sasagutin ko na bukas.." ani nito.

Ilang buwan pa lang simula nang nakapasok kami sa section 1 at naging magkasama sa research tapos ngayon malalaman kong magiging sila na bukas.

"Ano ba meron bukas?" clue less kong tanong. Halos lahat naman ata sa kanila ay excited para bukas.

"Ces, ano ba. Hindi ka lang nacrushback ganyan ka na!?" mataray na banat ni Cloe. Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Ano bang meron?"

Napahilamos si Cloe ng mukha na siyang kinatawa ni Ava.

"Valentines bukas, Ces.." Ahhh, araw ng mga puso.

"Pero sabado bukas at hindi ba gagawa tayo ng research bukas?" takang tanong ko. Sinabihan kami kanina ni Hajio na pupunta sa bahay nila bukas dahil gagawa kami ng research.

"Okay lang 'yun, Ces. Naroon naman na ang baby ko.." malanding saad ni Cloe.

"Yung akin din."

Umakto akong nasusuka at nandidiring tumingin sa kanila, "Yuck, ang cocorny niyo!"

Sinamaan nila ako ng tingin kaya umalpas ang tawa ko. Pagkatapos naming mag-usap at kumain sa bench ay tumayo na rin kami at umuwi. Maaga akong nakauwi ng bahay at kakauwi lang din nila Papa at Marian pagkapasok ko ng bahay.

"Nakauwi na ako, Ma..Pa.." agaw ko sa atensiyon nila. Ngumiti silang dalawa sa akin. Nakaupo kase sila sa sofa at tila nag-uusap. Malaki naman ang bahay namin. Walang pangalawang palapag ngunit masyado ng malaki para sa aming apat.

"Anak, may lakad ka ba bukas?"

Ibinaba ko ang bag at pinatong sa center table at umupo sa harap nila ni Mama.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon