Chapter 14

22 7 10
                                    

Santa Tell Me

When I said that I already embraced the new environment in section 1, I mean it.

Nakakasabay naman ako sa section 1 kaso nga lang kailangan ko pang kumayod nang husto. Habang patapos na ang isa na namang quarter nakikita ko na ang pagiging vivid ng competition sa loob ng klase. Walang nagpapatalo, ang iba naman ay effortlessly lang ang pagiging matalino.

"Paano isolve 'to." Kinagat-kagat ko ang labi habang pinasadahan ulit ng tingin ang nasa activity sheet. Napakamot na lang ako sa ulo, basta math talaga ay hindi ko gamay. Nakakaintindi naman ako pero kailangan ko pang saulohin ang buong problem baka makapag-analyze.

"Tapos ka na, Ces?" Napunta ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa katabi kong upuan.

"Hindi pa eh, nastuck ako," nahihiyang sagot ko kay Hajio. Nakita ko siyang sumilip sa test paper ko, at ngumiti.

"Wala pa rin akong sagot diyan, teka try kong isolve." Kinuha niya ang isang bond paper at doon ay nagsolve siya. Nagsolve rin naman ako kasama niya at natawa lang kaming dalawa nang makitang magkaiba ang sagot namin.

"Tapos na kayo?" parang iritableng wika naman ni Kairus nang mapansin niya kami.

"Hindi pa, ikaw ba?" mataray kong sabat sa kaniya. Humalikipkip lang siya sa desk ng upuan niya at bored na tumango.

"Paano mo nakuha 'to, Kai..." Tumaas ang kilay ni Kairus sa akin bago bumaling kay Hajio na nagtanong sa kaniya.

"Ah, ganito 'yan." Kinuha nito ang scratch niya at pinakita sa amin ang sagot niya sa number fourteen.

"Ahhh, alam ko na," sagot ni Hajio sa kapatid pagkatapos na inexplain ni Kairus ang tamang solution. Lumilipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Isa rin siguro sa napapasalamatan ko na magkatabi kaming tatlo sa upuan ay dahil umaapaw ang talinong meron sila. Kahit na walang katigilan ang ngisi at pang-aasar ni Kairus sa akin ay nagseseryoso naman siya tuwing may discussion at exam. Nakakarindi nga lang palagi dahil ako ang palaging kinukulit niya. I wonder kung ganito rin ba siya noon kay Anne Marie.

"Tapos na, Ces," maligayang sabi ni Hajio. Tumango lang ko at nilapag ang ballpen ko sa desk. "Tapos na rin ako!"

Hajio is the typical Hajio. Tahimik lang siya ngunit madalas din kaming nag-uusap kapag walang klase o kaya vacant.

"Ces, may gaganapin daw na pageant sa Christmas Party!" Binaling ko ang tingin kay Cloe nang magsalita siya. Pageant huh?

"Eh ano naman," wika ko. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang mahinang tumatawa sa Cloe.

"Kaming SSG ang hahandle, alam mo ba kung sino sino ang required na sasali?"

Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa mapang-asar na tono ni Cloe. Oo nga pala, SSG officer nga pala ang buang na 'to.

"Sino?"

She smiled wickedly at me before she mouthed her answer. Naestatwa pa ako sa kinauupuan ko nang mabasa ang bibig niya.

What....

"Straighten your back, breast out!!!

"The posture!"

Namamawis ang kamay ko at pinilit na ngumiti. Iniisip ko pa lang na maraming manunuod sa akin ay nanginginig na ang mga bituka ko. Kahit ngayon na practice pa lang ay kabado na ako.

"Morales, don't be stiff!!" Narinig ko na naman ang saway ni Sir.

Pinalambot ko na lang ang paglalakad at nagfocus sa tinuturo ni Sir Enzo. Kung minamalas nga naman ako ay required kami ni Hajio na sumali sa Christmas Pageant ng SSG. It is a small pageant that will show the creativity and accountability of every clubs in our school. And because ako at si Hajio ang muse and escort ay hindi ako nakatakas. Also our PE and Art teachers blackmailed us, hindi naman blackmail pero pampalubag loob lang. They will add points sa mga magpaparticipate and additional points if mananalo.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon