Company
"The patient is in critical situation. He is still unconscious and if his situation will become better we will transfer him in the normal room."
Pinagsakluban ako ng langit at lupa nang iyon ang maabutan ko. I saw Marian clutching on Mama Maria's hem of shirt habang kausap ni Mama ang doctor.
Nang magpaalam ang doctor ay lakas loob akong naglakad papalapit sa kanila. Balot ng pag-aalala ang mukha ni Mama Maria nang makita ako nito. Agad ko siyang dinaluhan ng yakap pagkalapit ko.
I was making some plates when she called me that Papa was brought to the hospital. Bigla raw itong nawalan ng malay habang nag-aayos ng halaman sa likod ng bahay. Luckily ay saktong naroon din si Zeus na nagtatrabaho sa shop ni Mama. Nastroke raw si Papa. Sa ngayon ay nasa ICU pa rin ito at hindi maayos ang sitwasyon.
"Take this," wika ng lalaking umupo sa tabi ko. Nasa labas kami ngayon ng ICU, nasa waiting area.
Nilingon ko si Kairus at napilitang abutin sa kaniya ang takeout niya mula McDo, burger, fries, at fried chicken. May dala rin siyang blueberry juice na mahirap hagilapin.
Nahihiya akong ngumiti at Kairus at sinimulang kainin ang burger. Hindi naman ako ang nag-insist sa kaniya na samahan ako rito, nagpupumilit lang siya! But I don'y have a strength na itulak siya paalis dahil hinang hina na rin ako.
"Don't forget to eat, Ces. I know mahirap ang sitwasyon ngayon pero sana alalahanin mo rin ang sarili mo."
His words are true. Hindi ko naisip na dahil sa pag-aalala ko sa iba ay napabayaan ko na ang sarili ko. Dahil sa kaba at sobrang pag-alala sa sitwasyon ni Papa ay umuuwi na lang ako para maligo at magpalit. Minsan ay nakaligtaan ko pang kumain. Ilang araw na siyang tulog at hindi pa rin siya nagigising na lalong dumaragdag ng pagkakabahala sa akin.
I was eating my fries when my phone suddenly beeped. It was a message from Ava.
AvaMaria: Hi, Ces. Happy Birthday(♡˙︶˙♡).
Napatingin tuloy ako sa calendar ng cellphone ko. My heart sank when I saw that it was already December 21, 12:05 am.
Sumikip ang dibdib ko at may luhang tumulo na naman sa mata ko dahil sa reyalisasyon. I forgot that it almost my birthday.
Napapababa ko ang hawak na phone kasabay ng fries. I am silently crying habang ang taong nasa tabi ko tahimik lang ding nakamasid sa akin.
"Why are you crying? It's already your birthday."
Napatawa ako sa sarili. Umiling iling ako kay Kairus kasabay ng pagpahid ng mga luha ko gamit ang siko.
Hindi ito ang nakasanayan kong birthday. Hindi masaya, puro hirap. Hindi pa rin nagising si Papa hanggang magtanghali. Pinilit ako ni Mama na umuwi muna dahil may nurse namang nagbabantay kay Papa pero ayaw ko rin. Gusto rin akong bisitahin ni Ava ngunit hindi nito mapabayaan si Avi sa bahay nila. Sa kaniya muna ngayon si Avi dahil nag-alala siya sa lagay nito at hindi ko rin ito maalagaan. Wala pa rin kase ito sa sarili.
Hindi ko maisip na birthday ko dahil sa nararamdaman. Messages were flooded from my friends, coussins, and other people who knows me pero wala akong maramdaman na kahit anong saya.
There was also no sign from Hajio.
"Ces, kumain muna tayo. Hindi ka ba nagugutom? Huli mo na yung burger at fries kanina.." pamimilit ni Kairus sa akin.
Nakaupo ito sa tabi ko at hindi mapakali.
I was persistent to say no to him but my stomach rebeled kaya napilit niya ako.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...