Chapter 8

27 8 12
                                    

Torment

He really likes iritating me.

Inirapan ko siya at makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ako sa kanya dahil babalik na ako sa cottage nila Mama. Palubog na ang araw nun. Hindi ko nga alam kung bakit ako naging komportableng kausap siya sa unang pagkakataon....pero nambwiset pa rin talaga!

"Ate!!" Agad na umakap si Marian sa akin nang nakita niya ako.

"Mama, nandito po si ate." Lumingon sa amin si Mama. Tumingin ito sa akin na tila nahanap na niya ang isang nawalang importanteng bahay.

"Sorry, Ma, namasyal lang po ako," sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at ningitian ako nang magaan.

Ang pinakamalaking cottage ngayon ang inookupa ng lahat. Ito ang cottage na parang ginawa para talaga sa mga events tulad ng birthday o kaya kahit anong party. Awkward akong ngumiti sa mga pinsan ko na nasa kabilang lamesa. Maliit lang naman ang bilang ng dumalo dahil sa lima lang naman silang magkapatid ni Mama. Naroon din ang iba nilang pinsan at nga anak nito.

"Oh, Cesia, ang laki mo na," bati ni Tita Armys nang makita niya ako sa tabi niya. Kumukuha kase ako ng pagkain at ganuon din siya.

"Ilang taon ka na, Hija?" tanong niya pa.

"Malapit na po akong mag-18," sagot ko. Ilang buwan na lang din at malapit na ang debut ko.

"Osiya, naroon pala sina Kyle sa kabilang lamesa." Tinuro niya ang lamesa kung nasaan naroon ang anak niyang si Kuya Kyle. Kasama niya ang iba pa naming pinsan.

"Alam kong hindi ka sanay, Cesia hija, pero sumama ka sa kanila mamaya."

Hindi talaga ako pakakibo sa tuwing kasama ko sila. Isa pa ay minsan takot silang maginitiate ng pag-uusap sa akin dahil sa mukha ko. My rough features explain that. Nevertheless, I felt awkward towards them.

"Ano pong meron?" takang tanong ko kay Tita.

"Magbobonfire sila diyan sa tabi ng dagat."

Napaisip ako sa sinabi ni Tita. Biglang nagecho aa akin ang sinabi ni Cloe kanina.

Didiretso na sana ako sa pagtulog para palipasin ang gabi pero hindi ako nakatakas sa kanila dahil ipinasundo pa talaga ako ni Papa.

Gumawa sila ng bonfire sa tabi ng dagat. Pito kaming magpipinsan na nakapalibot dito. May mga marshmallow pang nasa stick at mayroong wine. Pinayagan din naman ako ni Papa na uminom.

"Ate Alcyone, mahirap ba ang magcollege?" tanong ni Alara sa kay ate. Isa siya sa mga pinakamatanda sa amin.

"Mahirap pero masaya!" First year college na si ate Alcyone sa kursong Mass Communication Arts.

"Cesia, hindi ba magccollege ka na rin next year?" Napunta sa akin ang mga mata nilang lahat. Nahihiya akong ngumiti at tumango.

"Anong course naman ang kukunin mo?" tanong ni Kuya Kyle na nasa harapan ko. Isa siya palaging nanunuyo sa akin sa mga pinsan ko.

"Civil Engineering po," magalang kong sagot. Parang naamuse naman silang lahat. 

"Ah, tulad ng..." Hindi na natuloy ni Kuya Kyle ang sasabihin niya dahil kinurot siya ng kapatid niyang si Mazy. Magkamukha sila at magkaedad lang kaming dalawa ni Mazy.

"Opo, Kuya. At tsaka gusto ko talaga," kwento ko sa kanilang lahat. Tumango naman sila sa akin.

"Usige, let's have a toast!!" nagsumigaw si Saji at pinagbibigay nito sa amin ang baso na nasalinan na niya ng wine. Awkward akong ngumiti at sumabay na lang sa kanila.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon