Close
"Cesia Morales!!!!"
Napakunot ang noo ko nang mula sa loob ng bahay ay rinig na rinig ko ang matinis na sigaw ni Cloe. Humalikipkip ako at hindi siya pinansin. Sigurado naman akong papasok na papasok din siya pagkalipas ng ilang minuto.
"Cesiaaaa!!!" matinis na sigaw nito at ngayon sa harapan ko na.
"Ang ingay ingay ng bunganga mo, Cloe!!!" sigaw ko rin pabalik. Pumiksi lang ito at agad agad na tumakbo para dambahan ako ng yakap.
"Don't you miss me!?" pang-asar na ani niya. Pinaikutan ko lang siya ng mata.
"Binilhan kita ng pasalubong!" Pinatong niya sa center table ang isang transparent plastic na may mga pagkain na laman. Ngumiti ako, hindi niya talaga ako nakakalimutan.
"Hindi kita miss!" asik ko kaya umasim ang mukha niya. Napatawa ako nang malakas. Kakauwi lang kase nila kahapon galing Cebu dahil doon sila nagbakasyon buong sembreak. Doon din sila nagcelebrate ng undas dahil doon nakalibing ang grandparents ni Cloe sa mother side.
"Eh, ghorl, kumusta sembreak?" tanong nito sa akin pagkatapos niyang umupo sa tabi ko. Nakabihis na kami pareho at hinihintay ko lang ngayon si Marian na siyang inaayos pa ni Mama.
"Masaya, nagout of town kami. Umuwi kami sa hometown ni Papa," kwento ko at inaalala ang ginawa namin last week. Ang saya saya ni Marian nang dalhin kami ni Papa sa Bagiuo City. Sobrang lamig daw at ang dami-daming halaman, namasyal din kami ng ilang araw at doon nagstay.
Kinuha ko ang bag at may kinuha sa maliit na bulsa ko. Nakangiti lang si Cloe sa akin at ngayon ay may kain-kain na buko pie.
"Oh," ani ko at inabot sa kaniya ang tatlong key chain na siyang merong pangalan pa niya. "May mga pagkain dun sa loob ng ref, dito ka na lang kumain mamayang gabi," nakangiting saad ko kaya naman lalong lumapad ang ngiti niya. Pwede naman kaming kumain ngayon pero namataan ko na si Marian na lumabas ng kwarto nila Mama.
"Hi po, Tita," bati ni Cloe kay Mama. Ngumiti naman si Mama kay Cloe.
"Hi, Cloe, kumusta ang Cebu?" tanong ni Mama kay Cloe.
"Okay lang, Tita, Cebu pa rin!" Napatawa na lang si Mama sa pagiging sarcastic ni Cloe. Tumayo ako sa pagkakaupo at sinuot na ang bag kong bagpack.
New sem na naman, ngayon malalaman kung anong bagong section namin. Kung hindi na kami section 2 ay mamimiss ko rin ang kaweirdohan ng mga kaklase ko, kung ano mang mangyari sana ay kasama ko pa rin si Cloe at Ava.
"Ava!!!" Napasapo na lang ako sa noo nang dinig na dinig sa buong hallway ang matinis na boses ni Cloe. Kanina pa 'to. Nasa harapan kami ngayon ng gabaldon building. Papunta kami sa announcement board kung saan ay naroon sa labas ng gabaldon.
Lumingon si Ava na siyang naglalakad kanina sa paanan namin. Ngumiti ito nang malapad at sumigaw rin pabalik kay Cloe, "Waahhh Clo!!!" Hinambalos pa nito ng shoulder bag niya si Cloe pero mahina rin naman. "Aray!" reklamo ni Cloe at sinamaan ng tingin si Ava pero niyakap lang siya nito. Nagdaldalan agad ang dalawa nang magkadikit. Pinaikutan ko na lang sila ng mata.
Magkasabay na kaming tatlo na pumunta sa harapan ng announcement board. Maaga pa lang naman at kokonti pa lang ang mga nakapasok. Kung hindi ko lang nga hinahatid si Marian sa school niya ay baka kami ni Cloe ang pinakaunang pumasok.
"Pasok kaya tayo sa section 1?" tanong ni Cloe sa aming dalawa. Namamataan ko na ang mga papel na nakadisplay sa malaking board. Huminga ako nang malalim at hinanap ang fourt year.
"Ces, ano?" si Ava. Sinipat ko ang mata at tumingin sa Section 1.
"Barion, Amiel..."
"Calibog, Hideo..."
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...