Chapter 34

19 6 0
                                    

Guitar

Compared in high school, college is more stressing and hard. Kung iisipin ay mas triple ang hirap na mararanasan mo. Mas sasakit ang utak mo. At dahil dito ang sipag at tiyagang mayroon ka ay dapat triple rin o sobra pa. Kung sa highschool makakapagprocastinate  ka pa, sa college hindi mo na 'yun magagawa.

"Ces, ano? Tapos ka na sa plates mo?" tanong ni Avi. Lumingon ako rito at umiling.

Napahawak ako sa sintido. Katulad ko ay hindi pa rin tapos si Avi. Because we are in our third year now, mas marami ang dapat gawin.

"Makakapunta ka ba sa gig nila Hajio mamaya?"

Naalala ko tuloy ang gig nila Hajio mamayang gabi. Sabado ngayon kung kaya siguro ay tumanggap sila ng gig. Kapwa third year din naman sila kaya siguradong marami rin silang requirements. Except for Kairus. Second year college pa lang ang isa.

Gumawa kami ni Avi ng plates buong maghapon. Next week ay midterm na rin.

"Hindi na siguro tayo makakapunta, Av. Pero kung gusto mong makita ang jowa mo, edi go!"

Natatawa nito akong pabirong kinurot sa tagiliran. "Hindi ah! Nagtanong lang eh!"

I rolled my eyes.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya't pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Hawak hawak ko ang cellphone dahil nagtitingin ako ng updates tungkol sa midterm namin. Nagtext din si Mama na maganda ang pasok ng pera ngayong buwan sa negosyo niya. Masaya ako dahil sa ilang buwan ng shop niya ay malaki na ang kinikita niya ngayon.

Mamamatay na ang screen ng cellphone ko nang biglang may tumawag. Napangiti ako sa pangalang nagregister.

"Hindi kami makakapunta," salubong ko rito.

Tumawa ito sa kabilang linya. "Alam ko, Ces."

"Pero huwag mo ring kalimutan ang plano sa sembreak ah.."

Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita. Napatawa ako sa sarili.

"Oo na, Hajio."

Nagpatuloy kami ni Avi sa paggawa ng plates hanggang sa makatapos kaming dalawa. Hindi na rin talaga kami nakapunta sa Vigora dahil sa pareho na kaming exhausted.

"Ces, si Ava inaaway ako.." nagmamakaawang saad ni Avi sa akin habang prenteng nakahiga sa sofa.

"Awayin mo rin."

Tumango ito na kinatawa ko.

Siguradong naruon si Ava para sa boyfriend niya. Nakita ko ang day nito sa instagram na nasa Vigora siya.

I thanked that we didn't watch the band that night dahil nagreview na rin kami ni Avi at agkadating ng lunes ay nagsibigay na ng mga exam ang bawat professors namin.

Lumabas ako sa kuwarto namin para magtapon ng basura nang sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Kairus.

"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumisi siya. "Nanliligaw."

Ngumiwi ako at nilampasan siya.

"May manliligaw na akong isa," gatong ko sa trip niya.

Dahil siguro sa haba ng biyas niya ay naabutan niya pa rin ako kahit ang lalaki na ng hakbang ko.

"Edi makipagkompetensiya."

Tumawa nang malakas si Kairus nang lingunin ko ito at sinamaan ng tingin.

"Nga pala, Ces, wala ka ba talagang planong magpasa sa school forum-dimensions?" tanong nito sa akin.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon