Chapter 42

19 6 0
                                    

tw//suicide attempt.

Ways

"So what happened for the month that you was gone?"

Inilapag ko ang tasa ng tea sa harapan ni Hajio at umupo sa tabi niya. Nakatulaa lang siya sa harapan ng cabinet kung nasaan ang tv namin. Iisang sofa lang kase na mahaba ang narito sa maliit na sala ng apartment.

"Hindi ako hinahayaan ni Dad na macontact o makausap ka.." may pait sa tono ng boses niya.

Nakagat ko ang labi. Ngayon ay klaro na sa aking ayaw talaga sa akin ng Dad niya.

"Uhmm, Haj..."

He tilted his head, facing me.

"Kase.. I'm kind of..eavesdropped sa pinag-usapan niyong dalawa nang nakaraan."

Napaawang ang bibig ni Hajio sa sinabi ko. "I heard that your Dad don't want me.. At ako ang dahilan sa pagkamatay ni Tita Hailey."

Napayuko ako. Alam ko na kailangan ko nang tanggapin ang nangyari kay Tita Hailey tulad ng sinabi ni Kairus pero hindi pa kung hindi ko maririnig mismo kay Hajio ang pagpapatawad.

Hajio held my hands that brought electricity to my system. "No, it wasn't you..."

"Ces.. Hindi ikaw 'yun.." wika niya ulit, pumiyok pa siya. Dahil sa emosiyon na iyon ay may luhang lumabas sa gilid ng mata ko.

"Sorryy..." I shed tears. Hindi ako nagulat na umiyak ulit si Hajio sa harapan ko at kinabig ako sa isang yakap.

"Sinabi sa akin ni Ava. Na ang dami mong pinagdaanan ngayong buwan na wala ako..."

Nakaalis na kami sa yakap ng isat isa. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang nagsasalita siya.

"I'm sorry... Hindi ako naging mabuting boyfriend sa'yo, Ces..."  I folded my lips. His breathing is going heavy again.

"Kaya nahihiya na rin akong magpakita sa'yo... Alam kong magiging disappointment lang ako sa harap mo.." And here he is again.

I pressed his palm to ease his uncomfort and pain. "Haj, hindi..Makikinig ako.. Sabihin mo lahat.. Hindi na ako magcoconclude na hindi alam ang lahat.."

Natulala si Hajio sa akin. Nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ba ang ginawa ko. Sa buong relasyon namin, naging mature kaming dalawa. Dahil pareho namin itong unang subok sa commitment. Wala silang label ni Anne Marie noon.

Akala ko perpekto na ang relasiyon namin. Pero hindi pala. Kase sa lahat ng puwedeng sangkap ay nakalimutan namin ang isa sa pinakaimportante.

That is open communication.

I can't force people to open up with me. Pero paano kung naghihintay lang pala silang pangunahan ko? Kung nais lang nilang makarinig muna ng assurance na makikinig ako sa kanila para maging open sila sa akin?

"I was fucked up."

"Since the fourth year started, I started to get low scores in quizes. Even in midterm exams. Kahit nang nasa internship na ako ay hindi ako nakakagawa ng tama.."

Lumupaypay ang ulo niya sa balikat ko. "Sobrang disappointed ako sa sarili ko, Ces. Kase heto na eh, malapit na ako sa finish line, tapos dito pa ako nagfail!"

Ramdam ko ang bawat sakit ng mga salitang binibitawan niya. Hajio since in elementary is an outstanding student, kahit noong highschool ay hindi siya nawala sa topnatchers. Kahit ngayong college. Kaya alam ko ang pressure na dala dala niya sa dibdib.

Inaasahan siya ng lahat na magiging pataas nang pataas siya, ngayon na bigla siyang humalagpak sa ibaba ay magiging disappointed sa kaniya ngayon ang lahat.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon