Chapter 30

24 6 0
                                    

Try

"Hindi ka ba hihingi ng explanation sa kaniya?"

I shook my head at Avi. Nagkatinginan tuloy silang dalawa ni Ava at napangiwi.

I told Ava na bumalik na si Kairus. At napagdesisyonan na rin naming ik'wento kay Avi ang tungkol sa nakaraan. Even about the incident with Cloe. She was so amazed pa nga, at nagalit din siya kay Cloe. Pero pareho sa opinyon ni Ava ay gusto rin niya akong kausapin si Kairus at humingi ng explanation.

"Hindi na naman na kailangan. Tapos na ang lahat. Isa pa hindi naman naging kami.." sagot ko.

Hindi sila nagtanong pa. Kinuha ko ang baso ng blueberry flavored shake ko at sumimsim doon. It's weekend today at bumili kami ni Avi ng materials para sa plates namin kaya narito kami ngayon sa mall.

"Ava, kumusta naman sa school niyo?"

Av talaga ang tawag ko kay Ava pero dahil nandito ngayon si Avi ay kailangan ko 'yung dugtungan. Kambal ata ang dalawang 'to kase parang magkapareho sila ng pangalan.

"Okay lang naman. Naruon naman si Edzel, at Maxim." Napatango ako. Oo nga, kung kami ni Hajio ang magkasama sa isang school, ay silang tatlo naman ang magkasama. Well, obviously sila na naman ni Ava at Edzel.

Ava is taking up Business Administration major in Financial Management kase iyon ang gusto ng Mama niya para sa kaniya. Ang Papa niyang nagtatrabaho sa ibang bansa ay ganuon din ang gusto. Isa pa, Ava dreams to develop a business on her own. Specifically, a pastry business.

"Kayo, kumusta naman?" Av's turn to ask.

Nagkatinginan kami ni Avi at napatawa sa isa't isa. "Okay lang kami, Ava, nakakagod nga lang kapag madaming humahabol sayo.." makapal na pagyayabang ni Avi. Umarte akong nasusuka sa kaniya kaya bineletan niya ako.

"Iw, yuck! Kadiri!"

Inilapit ni Avi ang kamay niya sa ulo ko. Buti lang ay mabilis ang reflexes ko at agad akong nakaiwas sa pagbatok niya. Hah!

"Kailan pumupunta sa psychologist si Hajio, Ces.." Tanong na nagpaalis sa mga mata ko sa makapal na librong kaharap. Siningkitan ko ng mata si Avi na seryosong nakadungaw sa akin, naghihintay sa sagot ko.

"Ano meron sa pagte-therapy ni Hajio?"

Iniling niya ang ulo, "Hindi iyon. 'Yung schedule na lang ba." Ngumiti siya. Sa ngiti niya pa lang ay alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Kay Doc. Keon ka ba interesado?" tanong ko rito.

Napansin ko ang bahagyang pamumula ni Avi kaya napatawa ako. Tumayo siya nang marahan at agad na umiwas ng tingin. She really looks like a child how she act. Kahit ngayon na crush niya ang pinag-uusapan.

"I heared my name. Anong pinag-uusapan niyo?" someone said.

Lalong tinago ni Avi ang mukha nang magpakita sa amin si Hajio. Nakatayo ito sa gilid ng lamesa. Paano niya kami nahanap dito?

"Wala 'yun, Haj. Huwag ka ngang chismoso.." sabat ko sa kaniya na kinatawa naming dalawa.

Umupo siya sa tabi ko at kaharap namin si Avi. Hindi na ulit siya umimik. Kumuha rin siya ng libro mula sa isa sa mga higanting shelf at nagbasa. Nandito kami ngayon sa library tumambay kase rito ay hindi kami ma-iistorbo ni Kelsey.

The following days, iyon na ang routine naming dalawa ni Avi. Sa tuwing vacant ay nasa library kami at pagkatapos ng lunch naman ay nasa likod kami ng school kung saan ay p'wede ring tambayan ng mga estud'yante para magpahangin.

"Avi, hahanapin ko muna 'yung libro para sa assignment natin ah," paalam ko kay Avi. Tumayo ako mula sa kinauupuan at pumunta sa shelf kung saan puro mathemetics books ang naroon. Hays, kung minamalas kase naman. Sa lahat ng subject na pwedeng manatili ay 'yung math pa na nakakasira ng utak.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon