Muse
"Nasa'yo na ba ang baon mo?" tanong ko kay Marian habang inaayos ang nalaglag na iilang buhok niya.
"Opo, ate. Makikipagfriends po ako para may kasama akong kumain," sagot nito at ngumiti nang matamis. Ngumiti naman ako pabalik at tinapik ang balikat niya.
"Mag-aaral ka nang mabuti, huwag kang umalis kapag hindi pa dumating si Papa mamaya ah."
Tumango naman siya. May dumaan na dating kaklase niya nang kinder kaya nakisabay na.
Hinawakan ko ang strap ng bag at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Isang sakay lang mula sa school ni Marian ay naroon na ang school namin. Pangalawang linggo na ng new school year ngayon pero araw-araw ko pa rin namang binibilinan ang kapatid ko. Kakagrade 1 niya pa lang kaya hinahatid ko pa siya bago ako pumasok. She needs guidance so I'm giving it to her as her older sister.
"Hoy, Ces. Nandito ka naaaa." Nilampasan ko si Cloe at nagtungo sa upuan ko.
"Ces, sorry na kaseeee," pangungulit pa nito. Marami na ang kaklase namin sa loob ng room pero may sari-sarili naman silang mundo. Wala pa kase ang teacher at wala namang klase ngayon.
"Oy, ito naman. Unang beses lang naman ito eh." She stomped her feet as of throwing tantrums.
Inilapit nito ang upuan sa'kin para makulit niya ako lalo. Paano ba namang hindi ako magtampo sa kanya, nauna pala siya sa akin dito! Hindi man lang siya nakapagsabi!
"Ano?" Masungit ko siyang tinignan. Nagpout pa siya at tumingin sa akin na nagpapaawa.
"Sorry na, nakalimutan ko kase sabihin sa'yo kagabi na kailangan kong mauna ngayon kase magaasikaso kami para sa orientation ng club mamaya," pagpapaliwanag nito.
Inalis ko naman ang tingin sa kanya at tinuon sa blackboard. May mga nakasulat nga roon, ang schedule ng bawat ellecting at selection ng clubs ngayon.
"Hays, fine," pagsuko ko kay Cloe. Parte kase si Cloe ng SSG kaya naman ay naiintindihan kong busy siya. Wala lang talaga akong alam kanina kaya masama ang loob ko.
"Yehey! So saang club ka sasali? Sa Sports Club ba ulit?" aligagang tanong niya. Saan ba ako sasali?
"Ayaw ko na sa sports club, ayaw ko na rin namang maging athlete. Graduating na tayo, kailangan kong magfocus," sagot ko na sinang-ayunan niya naman.
Lumipas ang mga minuto at dumating na rin si Ma'am. Hindi naman na naming kailangan iorient para sa clubs dahil tatlong taon na naming ginagawa iyon. Pagkatapos magsalita ni Ma'am at idiscuss ang venues ng bawat club ay nagsimula na ang selection.
Naghintay pa ako ng ilang minuto kay Cloe sa loob ng room bago kami umalis. Iyon nga, inorient kase nila ang first years at nagsabi siyang dapat pareho ang club na papasukan namin ngayong taon.
"So saang club nga tayo sasali?" Kanina pa siya tanong nang tanong. Nadaanan na namin ang Math Club at Social Studies Club pero hindi ko bet ang sumali roon.
"Ikaw bahala, saan ba?" tanong ko sa kanya pabalik. Siya na magdesisyon tutal tinatamad akong mag-isip.
"Hindi ba crush mo si Hajio?" Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagtanong. Pumasok tuloy ulit sa isip ko ang ngiti ni Hajio.
"Alam ko kung saang club siya palagi sumasali, tara doon tayo. Tutulungan kitang mapalapit sa kanya," ani niya bago ako magpahatak sa kanya. Wala naman akong takas sa babaeng 'to. Isa pa, gusto ko rin ang ideyang mapalapit sa taong gusto ko kahit tinutubuan ako ng hiya.
"Literary Club!!?" Bumilog ang mata ko nang marealize kung saan ako dinala ni Cloe. Mukha ba akong writer?
Tatalikod sana ako para lumipat ng room pero nahatak na niya ako papasok. Nakatingin pa naman ang isang strict adviser ng club sa amin kaya wala na talaga akong nagawa.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...