Lunch
Last friday of June, abala lahat ng tao sa room, hindi sa requirements o project pero sa sari-sarili nilang mundo. May mga nanunuod ng k-drama na minsan ay naririnig ko pang nagtitilian, may mga nag-aayos ng kilay at mukha, meron namang nagpapabraid ng buhok, may mga nakahiga sa sahig, ang mga lalaki ay nag-uusap usap at nagtatawanan, at kami ni Cloe at Ava na nasa gilid at tahimik lang.
"Cloe, ano ba ang ginagawa mo? Kanina ka pa abala ah," basag ni Ava sa katahimikan.
Nagpatuloy naman sa pagtipa itong si Cloe sa laptop at hindi kami sinagot. Wala namang pinagawa sa amin ang teachers pero busy na busy siya. Nakakapanibagomg hindi siya dumadada.
"Ano iyan, Clo?" tanong ko rito at tinignan ang screen ng laptop niya. Ahh, gumagawa pala siya ng news article niya para sa lit club.
"Busy na busy kayo sa Lit Club ah, kumusta naman dun, Ces?" tanong sa akin ni Ava, lumipat tuloy ang atensiyon ko sa kanya.
"Okay naman." Tumango si Ava at ngumiti.
"Kumusta ang article mo, Ces?" sa wakas nagsalita na si Cloe pero iyon pa ang sinabi niya. Reminding me about the article reminds me the face of that weird Kairus.
"Natapos ko naman na," ani ko sa kanila. Pinaglaruan ko sa kamay ang ballpen ko habang inip na inip na pinapanuod ang mga kaklase ko.
"Babe, huwag ka ngang ganyan."
"Bakit, babe, totoo namang maganda ka ah!"
"Eh, babee," impit na reklamo nang babae naming classmate at pilit na inaalis ang kamay ng boyfriend niya sa cheeks niya. Ew, yuck, bakit sila naghaharutan sa harapan ko!?
"Hoy, kayong dalawa. Huwag nga kayong magharutan dito, respeto naman sa aming mga single!!" sita ni Ava rito kaya napalingon silang dalawa sa amin.
Si Jhana, ang babae, ay namumula at nahihiyang tumingin sa amin at ang lalaki naman ay ngumisi lang.
"Ano ba 'yan, gumaganito talaga room natin kapag walang teachers!" inis na ani ni Ava at tumingin lang ulit sa ginagawa ni Cloe.
Napatawa naman ako dahil totoo ang sinabi niya. Wala kaseng teachers ngayon dahil may meeting silang lahat sa faculty room.
"Galit na galit, Ava? Paano kase wala kang jowa. Ang sabi mo nang nakaraan papatulan mo 'yung soccer player na si Jerome pero ayaw mo kase hindi marunong— Aray!!" Hindi nakapagpatuloy sa pagsasalita si Cloe nang kurutin ito ni Ava.
They started bickering pero nang mabalik ni Cloe ang pansin sa laptop na natahimik ito agad.
"So kumusta nga ang article mo, Ces?" tanong ni Cloe sa akin.
Tumingin ako sa kanya. "Tapos naman na ata," sagot ko rito.
"Anong ata, 'di ka sure?" mapang-asar pa na sagot niya.
"Ay oo, si Kairus pala ang kasama mo roon, tinulungan ka ba niya?" Bigla namang lumapit lalo si Ava.
"Sinong Kairus? Corrosso?" curious nitong tanong na sinagutan ko ng tango.
"Hala, Ces, crush 'yan ng isang kaklase natin," gulat nitong sabi.
"Ano namang pake ko," diretso kong saad na tinawanan nilang dalawa.
"Hindi pa pala niya binigay sa akin ang finalized article namin, teka."
Dali dali kong kinuha ang laptop sa loob ng bag at binuksan ito. Dahil nga may free internet service etong school ay nakapagbukas ako ng facebook account.
Kagabi ko pa nalaman na ngayong hapon pala ang deadline ng article namin pero nakalimutan kong tanungin si Kairus.
"Hala geezz!" Kinagat ko ang bibig nang marealize ko ang ginawa ko kay Kairus last week.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...