Vacation
"Ces?"
I squinted my eyes at Kairus' hands. Napakagat ako sa labi habang nag-iisip ng tamang desisyon.
At hindi inaasahan ang kusang paggalaw ng mga kamay ko sa ibabaw ng kamay niya para kunin ang maliit na bagay na binibigay niya.
Kairus formed a sweet smile while I was so unsure with my action.
"Sige na, Ces. Hahatid na kita sa apartment niyo? Nasaan na ba si Avi?" pagbago niya ng topiko.
Napakisap ako. Hindi ko siya sinagot at dahan-dahang isilinid sa bulsa ng uniform ko ang maliit na gitara.
"Nauna na si Avi. Hinihintay ko si Hajio, magkasama kaming uuwi." He gulped.
"Kanina pa tayo nandito ah? Edi nakarating na sana siya," wika nito sa mapait na boses.
Napaisip ako. Tama siya, kanina pa rito sa harapan ng engineering building. Madilim na ang paligid at kumukunti na lang ang mga estudyante na naririto. Hindi pa rin nakadating si Hajio.
"Ihatid na kita, Ces. Baka gabihin ka pa.."
Napatango lang ako sa sinabi ni Kairus. Ngunit walang gumalaw sa amin pagkatapos niyang magsalita. Pakiramdam ko ngayon ay masyado pa ring nakakagulat sa akin ang lahat.
Nang naunang naglakad si Kairus paalis ay sumunod na ako sa kaniya. Tahimik lang kaming dalawa at pinapakiramdaman ang isa't isa. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko na kanina pa nagwawala at napapaisip din ako kung bakit hindi dumating si Hajio. Hindi rin siya nakatawag at nakapagsabi.
Nakalabas na kami ni Kairus sa campus nang makita ko ang isang fast food chain sa labas. Bigla akong nagutom.
"Gusto mo bang kumain?" Kairus asked.
I played with my lips before nodding. Nauna na akong naglakad sa kaniya palapit sa fastfood chain. Pagkapasok ko ay nalanghap ko agad ang nakakagutom na amoy ng pagkain. Natakam ako lalo nang makita ang malaking fried chicken na siniserve ng waiter.
Ang sabi ko kay Kairus ay ako na ang oorder dahil magdadala rin ako para kay Avi. Nakipagtalo pa ako sa kaniya dahil gusto niyang siya ang pupunta sa counter. Sa huli ay siya ang nanalo. At nakakapangsisisi dahil ang dami biyang binili.
"Oh?"
I grunted. Nilagyan niya na naman ng isang whole piece chicken ang pinggan ko. He have a ghost of smile on his lips.
"Kain ka. Hindi ka naman na siguro magdidinner mamaya?" Tumango lang ako.
We are not silent while we are eating. He is trying to open one topic to another to make me speak.
Nasa gitna kami ng pagkain nang may dalawang taong pumasok sa pintuan na nakakuha ng atensiyon ko. The girl is familiar, nakasuot ito ng high waist short and knitted crop top sa ilalim ng lavender na coat. Ang taong sumunod sa kaniya papasok ay ang nagpagulat sa akin.
I stopped eating. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap sila sa harap ng pinto.
"Bakit ka tumigil?" Kairus asked.
"Gusto mo bang subuan?"
Hindi ako sumagot. Pinanuod ko ang dalawa habang tila nagaargumento pa. Nakatulala ako sa kanila nang biglang magtama ang tingin namin ng lalaki.
I gulped.
Iiwas na sana ako ng tingin nang biglang mapunta sa lamesa namin ang mata ng babae. Kairus finally saw them too.
"It's Anne."
Hindi ganuon ka nagbago ang mukha ni Anne kaya nakilala ko agad ito. It's really Anne Marie.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...