Chapter 29

28 7 10
                                    

Appearances

Akala ko nang una ay isang guni-guni lang ang pangyayaring iyon sa sementeryo. I can't believe that was him. He changed...a lot. Kaya nasasabi ko sa sarili ko na baka ibang tao lang 'yun. Na baka hindi siya.

But I'm wrong. I comfirmed he's really back when I saw him again. Iyong mas malapitan at nakausap ko pa.

Nakasukbit sa akin ang kamay ni Avi habang naglalakad kami sa mall. We bought school materials today kase ilang weeks na lang ay pasukan na ulit.

"Kaklase pa rin natin 'yung hipokritang Kelsey?"

Tinignan ko si Avi. Pinatingin naman nito sa akin ang screen ng cellphone niya. Aish. Napangiwi ako nang makita ang parehong pangalan ng mga kaklase ko noong first year. It looks like kailangan naming magtiis hanggang sa fifth year.

"Hayaan mo na, Avi. Hanggat maaari, tayo na lang ang umiwas.."

Kelsey is the daughter of the landlady in the boarding house kung saan kami unang tumuloy ni Avi. Mainit ang ulo niya sa aming dalawa at ganuon din ang mga kaibigan niya.

"Oo nga, Ces... Iyon na ang shop oh.. Tara na!"

Hinila ako ni Avi papunta sa shop na kanina pa namin hinanap. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ang lakas niya huminga. Parang maaalis ang balikat ko dahil sa kaniya. 

"Ces, dalian mo! Baka wala ng stock 'yung gusto ko— Ouch!"

Napatigil si Avi sa paglalakad at ganuon din ako. Hawak hawak niya ako eh. Pero napatigil siya dahil sa bigla siyang may nakabanggang tao. Sa sobra atang pagmamadali ay hindi na namin napansin na may makakasalubong kami.

"Kuya! Kuya! Sorry po.." aligagang paghingi ng pa-umanhin ni Avi roon sa lalaki.

I was about to say sorry to him too when I notice his physique. He is wearing a black muscle-tee shirt and a faded maong jeans. His muscles are prominent, also his wide and broad shoulders. But he is wearing a cap, and a black surgical mask.

Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Avi kahit humihingi pa rin ito ng tawad sa kaniya. His eyes automatically landed at me. As if it's searching for mine.

He changed a lot. He looks healthy. Siguro nagwork-out siya or maybe he has a sport. At kahit tago ang mukha niya ay nakikilala ko pa rin siya.

Those eyes looks familiar. Yung mga mata niyang kaya akong lunurin kahit hindi na ako tumalon doon.

Ako ang unang umiwas ng tingin. I bit my lower lip to stop myself to stare at him again. Baka kung ano pa ang isipin niya sa paraan ng pagtingin ko. Dahil sa ginawa ko ay binaling niya kay Avi ang atensiyon.

His eyes smiled at Avi, "It's fine.."

His masculine voice sent shivers down my spine. The fuck, his voice changed too. Mas naging malalim.

"Pasensiya na talaga, Kuya.." ulit na naman ni Avi.

Tinanguan lang siya ni Kairus. Hindi pa rin ako umimik. I am just staring at the floor at patuloy na iniiwasan ang tingin niya. Ambigat ng dibdib ko, halo-halo ang emosyong nararamdaman ko.

"Ces, tara na.." mahinang bulong sa akin ni Avi. Hindi ako nakasagot. Tulala lang ako. Ang naririnig ko lang ngayon ay malakas na kabog ng dibdib.

Hinila ulit ako ni Avi. I last saw Kairus' pair of shoes bago kami makalampas sa kaniya. At kahit nakalayo na kami ay ramdam ko pa rin ang pagsunod ng titig niya sa akin.

"Ces, ang guwapo niya. Napansin mo ba 'yun!?" puri agad ni Avi nang makapasok kami sa store.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Tapos, Ces, grabe 'yung mata niya. Nanghihila! Kung hindi ko lang hawak ang braso mo, niyakap ko na siya.."

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon