Behind
"Hindi ka ba talaga interesado na kunin ko rin na Psychologist mo si Doc Keon?" tanong ni Hajio sa akin.
Tumingin ako sa daang nilalakaran namin at hindi sa kaniya.
"Hindi na nga, Haj." Tumango-tango si Hajio. Ilang beses niya ring tinanong sa akin ang tungkol kay Doc Keon pero lagi akong umaayaw. Oo, alam ko namang hindi stable ang mental health ko ngayon, madami akong traumas at kung ano man pero ayaw kong kumuha ng Psychologist para sa akin. Makakaya ko rin naman siguro 'to.
Alam ko na may problema si Hajio pero hindi ko alam kung gaano iyon kasakit o ano dahil hindi ko naman siya tinatanong sa kaniya bilang respeto. Isa pa, minsan lang din ako sumama sa mga therapy niya.
"Ano, seaside tayo ngayon?" Ngumiti ako sa kaniya na sign ng pag-agree. Sakto at parang gusto kong kumain ng seafoods ngayon.
Walang klase dahil weekend at kapag ganuon ay halos minsan lang din naman ako lumabas. Kapag ganito nakakalabas kami ni Hajio ay sinusulit na niya ang pag-imbita sa akin.
"Tapos na ba finals niyo?"
Tumingin sa akin si Hajio, "Hmm, hindi pa naman pero next week na. Sa inyo ba?" balik niya sa akin.
Napangiwi ako. Hays, finals, "Next week din ata. Medyo kinakabahan nga ako.."
Eh sino bang hindi kakabahan pag finals na? Parang ambilis ng panahon kase ngayon finals na namin, pero hindi ko talaga alam kung makakapasa ako.
"Haha, huwag ka muna magpakapreasure eh. Kaya nga mamasyal tayo ngayon!" Napatawa ako kay Hajio dahil sa pagtaas niya ng isang kilay.
"Ewan ko sayo, Haj, gusto mo lang siguro akong kasama," pagbibiro ko. Walang halong malisya iyon.
"Weh? Sino nagsabi?" Natawa siya nang samaan ko siya ng tingin. Aba.
"Hoy, Hajio, baka nakalimutan mo, baliw na baliw ka pa nga noon sa akin!" bwelta ko.
K'westiyonable niya akong tinignan na parang hindi makapaniwala.
"What? Nangyari ba 'yun? Bakit hindi ko maalala?" Humawak pa siya sa ulo niya na parang hindi makaalala.
"Hajio!!" Sinuntok ko siya sa tiyan kaya lalong lumakas ang pagtawa niya. Nakabusangot tuloy ako habang nasa daan kami papunta sa seaside dahil malapit lang iyon sa clinic ni Doc Keon.
Marami pa ngang nakatingin sa amin na mga nakakasalubong dahil hindi pa rin kami tumigil sa pag-aaway at pagkukutyaan.
Kung noon na kakikilala ko pa lang kay Hajio at nang gusto ko siya ay ang awkward ng hangin sa gitna namin pero ngayon umiba na ang ihip. He became my new bestfriend kahit sa kabila ng past namin. Hindi na rin siya nag-insist na ituloy ang panliligaw sa akin at pinili namin iyong kinalimutan. Kahit sa kabila ng pag-iwan sa akin ni Kai at maaaring may chance siya ay ayaw ko muna.
Andami dami rin ngang kumukutya sa amin o nagsasabing kami pero habang nakakarinig kami nun ay tinatawanan lang namin.
"Haj, ako na muna magbabayad ngayon. G ba?" tanong ko sa kaniya. He furrowed his eyebrows. Aayaw pa sana siya pero nang tignan ko siya ay hindi na lang siya sumabat.
Mabuti naman. Palagi na lang kase siya ang nagbabayad sa tuwing lumalabas kami. Ako naman ang magbabayad ngayon at isa pa wala si Avi na baka ubusin lang ang pera ko.
"Ang sabi ni Edzel baka kukuha kayo ng vocalist, totoo ba 'yun?" Kung kukuha sila ng isa pang bokalista ay wala ng babalikan si Kairus pagbalik niya. Pero pake ko naman sa kaniya, hindi rin naman siguro siya babalik pa.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...