CHAPTER 2

355 18 1
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 2
#ALTRTheyMeetAgain

• Nikko Alejo POV:

"Yari nanaman ako nito kay sir"

Bulong sa sarili ko sabay batok sa ulo ko, hindi ko talaga maiwasan tong pagiging tanga ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasan tong katangahan ko kaya palagi nalang akong napapahamak, minsan napapaisip nalang talaga ako kung bakit nangyayari sakin tong mga gantong bagay eh.
Sigurado lagot ako nito kay Sir Yuno dahil sa nagawa ko sa kanya doon sa bus, pero ang pinag tataka ko lang kung bakit sya nandoon sa bus eh samantalang nabanggit nya sakin na may sarili naman syang kotse.

"Good morning sir hehe"

Bati ko kay sir pagkapasok ko sa loob ng office room nya, hindi ko maiwasang hindi mahiya sa kanya sa mga oras na to dahil sa nangyari sa bus kanina.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na- -"

"Sorry talaga sir!! Sorry talaga sa nangyari sa bus, hindi na talaga mauulit sir!! Hindi ko naman talaga sinasadya yung kanina sir eh!! Hindi lang talaga kita nakita sir kaya sorry talaga!!"

"I was about to say that ayokong nali-late ka... Bakit ang dami mo nanamang sinasabi ha?"

"So hindi ka galit sir? Hays! Salamat naman po kung hindi kayo galit sa nangyari sa bus!"

"I already mentioned to you na hindi ako sumasakay ng bus! Ilang beses ko bang sasabihin sayo yan ha?"

"Ha? E-Eh, Sino yung nasa bus kanina sir?"

"You know, ayokong makarinig ng kung ano anong walang kwentang sinasabi mo... Can you please get me a coffee para naman gumanda yung araw ko!"

"So-sorry po sir, sige ho kukuha ko na po kayo ng coffee"

Habang nag titimpla ako ng coffee ni sir Yulo hindi ko maiwasang hindi maisip yung lalaki sa bus, kamukhang kamukha nya kasi talaga yung lalaking yon.
Halos ang pinag kaiba lang talaga nila ay yung hairstyle nilang dalawa.

"Pst! Kamusta ang first day mo dyan kay sir Yulo?"

Nagulat ako nang may biglang lumapit sakin na isang babae, bigla nalang syang tumabi sakin tapos may sinasabi sya saking na pabulong nya lang na sinasabi.

"A-Huh?"

"Tinatanong ko kung okay ka lang ba ngayon,  alam mo mahirap talagang makipag usap dyan kay sir Yulo kasi napaka sungit nyan"

"Ganun ba? Kaya naman pala ganun yung approach nya sakin"

"Oo, ganun talaga yon.. kaya hayaan mo ha, pag pinagalitan ka wag kana lang sumagot"

"O-oh sige!"

"Ako nga pala si Leslie.. oh sya ha, alis muna ako.. mamaya nalang tayo mag usap"

Ganun pala yung ugali ni sir Yulo kaya naman pala ganon nalang nya ako kausapin, kung anong kinagwapo nya yun naman ang kinasungit nya.
Mag sisinungaling talaga ako kung sasabihin kong wala syang itsura kahit napaka gwapo naman talaga nya, ang malas lang siguro ng magiging girlfriend.

"Sir, ito na po yung coffee nyo!"

"Why it takes you too long to get a coffee? Hindi mo ba alam na inoorasan kita ha? Ang lapit lapit lang pantry oh tapos ang bagal bagal mo!"

Dahil sa mga nakakainis na mga sinasabi nya sakin hindi ko maiwasang mag init yung ulo ko, napalabulong nalang ako sa sarili ko.

"Ang lapit lang pala eh bakit hindi mo kunin"

"Ano?! Are you saying anything huh Mr Alejo?!"

"A-Ah wala sir hehe! Ang sabi ko ay sorry hindi na po mauulit hehe"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon