CHAPTER 12

164 8 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 12
#ALTRSecrets

Yulo Luciano POV:

Hindi napigilan ang sarili ko nung mga oras na nag tatalo kami ni Yuno kaya't kung ano anong masasakit na salita nalang ang naibato ko sa kanya, alam kong nasaktan ko ang kapatid ko at kahit anong gawin ko ay kapatid ko parin si Yuno.
Ayoko paring nasasaktan sya at nahihirapan kaya't ako nalang ang mag papakumbaba kay Yuno para magkaayos kaming dalawa.

"Yuno.."

Agad namang akong pumunta sa office table ni Yuno para makausap sya, gusto kong magkaayos na kaming dalawa ni Yuno dahil sa napapagod na din akong makipag talo sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Yuno, pwede ka bang makausap?"

"Para saan pa Yulo?! Sinabi mo na sakin ang lahat diba?! Siguro tama na ang lahat ng mga sinabi mo sakin kahapon"

"Yuno, wag ka namang ganyan... Sa totoo lang napapagod nakong makipag talo pa sayo"

Nagulat ako ng biglang tumayo si Yuno mula sa pag kakaupo nya sa table nya at lumapit sakin habang nang lilisik sa galit ang kanyang mga mata.

"Kung ayaw mong magkabungguan tayong dalawa, iwasan mo si Nikko! Alam mo namang gusto ko sya Yulo, pero lumalapit lapit ka parin sa kanya na parang langaw!"

"Yuno.... Sorry, sorry dahil ginugulo ko pa kayong dalawa ni Nikko"

"Umalis kana Yulo, wala ako sa mood na makipag usap sayo"

Muling naupo si Yuno sa kanyang table sabay pindot sa kanyang computer na parang nag papakabusy habang nasa tabi nya ako, wala nakong nagawa pa at hindi ko na pinilit pa si Yuno na kausapin ako at nag lakad nako paalis.
Ngunit nung aakmang lalakad nako lumakad paalis ay bigla naman syang nag pahabol ng salita, isang salitang mag papakaba sakin ng todo.

"Sya nga pala Yulo, may tumawag saking isang lalaki kagabi... Kilala nya si Dad, hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nya sakin pero isa lang ang malinaw sakin... At yun ay may alam sya sa pagkamatay ni Dad"

Hindi ako nakapag salita agad dahil sa mga sinabi ni Yuno sakin at mistulan akong nanatiling tamik at gulat, maraming pumasok sa isipan ko ng sabihin sakin ni Yuno yon pero isang lalaki lang talaga ang pumasok sa isip ko at yun ay si Sylvester.

"Hindi ba sya nag pakilala sayo?"

"Hindi, sinabi ko sayo to dahil baka may nalalaman ka"

"W-Wala, wala akong alam Yuno"

"Ganon ba, sige makakaalis kana"

Napag desisyunan kong hindi sabihin kay Yuno ang nalalaman ko dahil alam kong ikakapahamak nya to, hindi ko muna sasabihin kay Yuno ang lahat lahat ng tungkol kay Sylvester kaya't hangga't kaya kong ayusin to ng mag isa aayusin ko para walang ibang taong madamay pa.

"Ano?! Tumawag si Sylvester kay Yuno?! Paano naman nya nalaman yung cellphone number ng kapatid mo?"

Sinabi ko kay Zian ang nalaman ko tungkol sa mga sinabi ng kapatid kong si Yuno, hindi ako makapag isip ng maayos sa mga oras na to dahil nangangamba akong baka madamay si Yuno dito.

"Paano na yaj Yulo?! Anong gagawin natin, eh mukhang nalaman na ni Sylvester ang number ng kapatid mong si Yuno! Sigurado ako na gagawa at gagawa ng paraan si Sylvester para makalapit kay Yuno!"

"Yun na nga ang kinakatakot ko Zian eh, mas lalo akong nangangamba ngayon dahil nakagawa na sya ng hakbang para makalapit sa kapatid ko"

"Kailangan may gawin na tayo Yulo! Hindi na biro tong mga nangyayari"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon