CHAPTER 33

71 4 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 33
#ALTRLateBloomer

Yulo Luciano POV:

Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko ngayon, para bang isa akong batang nag seselos sa isang bagay.
Halos lamunin ako ng kahihiyan dahil hindi ko alam na ganto pala ako mag selos, oo nag seselos ako dahil naabutan kong nag uusap si Nikko at Frank.
Hindi lang yun nag abala pa si Frank na bigyan si Nikko ng chocolate, alam kong ang babaw ng dahilan pero hindi ko maiwasang mag selos.

"Gusto mo pa ba nyan Yulo? Madami ako nyan sa bahay"

Alok ni Frankwin sakin, hindi ako makapag salita dahil puno ng chocolate ang aking bibig nung mga oras na to.

"Mukhang nag e-enjoy ka ata dyan sa chocolate na binigay ko kay Nikko, gusto mo Yulo dalhan din kita nyan tommorow"

"A-Uhm... Hindi na... Meron naman ako nito sa bahay, nag crave lang talaga ako sa chocolate ngayon"

"Ganun ba? Hmm mukha nga eh... Naubos mo ba naman yang chocolate na yan"

"Oo! Ganun nga! Nag crave lang ako yun na yun! Bakit may iniisip ka pa bang dahilan?!"

"Wala naman"

"Hindi ako nag seselos ah! Nag crave lang ako kaya kinain ko to!"

Nagkatinginan si Nikko at Frankwin nung sabihin ko yan, para bang gusto nilang tumawa ngunit pinipigilan lang nila.

"Yulo naman, wala naman akong sinabi na nag seselos ka... Alam mo parehas kayo ng kakambal mo, iba nga lang ang strategy nya dahil yung kanya medyo violent"

Pabirong pagkasabi ni Frankwin, napakamot nalang ako sa ulo at tumalikod sa kanya sa sobrang hiya.
Mukha atang nahuhuli ako sa sarili kong mga salita, kahihiyan talaga ang matatamo ko sa mga sinasabi ko.

"Alam mo Yulo... I like your attitude, mas gusto kita kesa sa kapatid mo but it doesn't mean na I will letting you to take Nikko"

"H-Huh? What do you mean?!"

"You know what I mean Yulo, lalaki ka din kagaya ko kaya alam kong alam mo kung anong gusto kong iparating sayo"

Pabulong na pag kasabi ni Frankwin sakin, sinadya nyang hindi marinig ni Nikko ang mga sinabi nyang yan.
Hindi ko alam kung anong motibo ni Frankwin pero mukhang alam ko na ang gusto nyang sabihin sakin, I think he likes Nikko too pero hindi ko igi-give up si Nikko ng ganon ganon nalang dahil masyado ng malalim ang pinag samahan namin ni Nikko.

"Sige na Yulo, alis nako... See you later Nikko!"

Paalam ni Frankwin, hindi aalis ang tingin ko kay Frankwin habang nag lalakad sya paalis dahil sa mga sinabi nya sa akin kanina.

"Oh bakit ka nakatitig kay Frankwin?"

"Wala Nikko..."

"Pwede ba yun? Wala lang ganon?"

"Oo wala..."

"Alam mo ang weird mo... Kanina ko pa napapansin yang galaw mo parang kakaiba, nag seselos ka ba ha? Hahaha!"

"Ako mag seselos? Bakit naman?"

"Hindi ka nag seselos? Edi hindi mo pala talaga ako mahal?"

"Oo na nag seselos nako! Gustong gusto mo talaga ako nakikitang nag seselos eh no?!"

"Hindi naman hehe... Alam mo Yulo, ikaw lang ang lalaking gusto ko... Ikaw lang ang lalaking hihintayin ko hanggang sa maging okay na ang lahat"

"Talaga? Eh paano kung mag confess sayo yung Frankwin na yun ha?"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon