CHAPTER 8

171 16 1
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 8
#ALTRMagKakambalNaGalit

Yuno Luciano POV:

"Ano?! Ipapasok nyo ako sa company ni Yulo?!"

Nagulat ako ng malaman kong kinausap ni Mom si Yulo na ipasok ako sa kumpanya nya, hindi ko gustong pumasok doon dahil ayokong nakikita palagi si Yulo.
Iniiwasan ko talaga ang kakambal kong si Yulo dahil hindi ko matanggap ang ginawa nya kay Dad, malalim ang galit ko sa kanya at walang sino man ang makakapag paalis ng galit ko sa kakambal ko.
Hinayaan nyang mag pakamatay si Dad nung mga oras na yon kaya't hindi ako pwedeng pumasok sa kumpanya nya dahil araw araw ko syang makikita doon, kailangan kong gumawa ng palusot para makatanggi sa sinasabi sakin ni Mom ngayon.

"Hindi ako pwedeng mag trabaho sa company ni Yulo, Mom! Alam mo namang hindi maganda ang relasyon namin bilang mag kapatid kaya bakit mo kami pag sasamahin?!"

"It's a great job for you, kinausap ko na din si Yulo about this kaya wala kang dapat ipag alala!"

"Mom, alam mo kung gaano ako kagalit kay Yulo! Hindi ko gustong makasama ang kakambal ko sa isang trabaho!"

"Please Yuno, pumayag kana... Gusto kong mabago ang buhay mo, ayokong nag tyatyaga kang maging cashier sa isang convenience store!"

"Ano bang masama don Mom? Mas gugustuhin ko pang mag trabaho sa convenience store kesa makasama ang kakambal kong si Yulo!"

"Gawin mo nalang to para samin ng Lola mo, Yuno... Ayaw naman naming hayaan na ganyan ka lang"

"Hindi pa ba sapat lahat ng mga ginagawa ko sa inyo ni Lola?"

"Hindi naman sa ganon, gusto lang namin ng Lola mo na mas mapaganda ang buhay mo... Please Yuno, do it for me and your grandma!"

Wala nakong ibang paraan na naiisip para tumanggi sa kagustuhan ni Mom na mag trabaho ako sa kumpanya ng kakambal kong si Yulo, kailangan ko nalang talaga sigurong tanggapin ang kapalaran kong mag trabaho sa Universal Trend Company.
Kahit labag man sa kalooban kong mag trabaho sa kumpanya ni Yulo ay gagawin ko parin alang alang kay Mom at Lola, siguro hindi naman ako mahihirapan don gayong alam kong nandoon din si Nikko.

"Yuno? Anong ginagawa mo dito?"

Pag pasok ko sa loob sa building ng company ni Yulo ay agad naman akong sinalubong ni Nikko, laking pag tataka nya kung bakit ako nandito ngayon sa kumpanya ng kakamabl ko.

"Bakit ka nandito, Yuno?! Anong ginagawa mo dito sa company ng kakambal mo? Aish, siguro sinusundan mo nanaman ako no? Pwede ba patahimikin mo yung buhay ko!"

"Siraulo ka talaga! Nandito ako para mag trabaho Nikko hindi para sundan ka... Masyado ka namang ambisyoso"

"Ano?! Narinig ko yun!"

"Ang ano?"

"Yung sinabi mo!"

"Yung ambisyoso?"

"Aba- - inulit mo pa talaga ah!"

"Totoo naman kasi... Ambisyoso ka Nikko hehe"

"Kesa naman sayo no, Mr walang short!"

"Hoy! Aba- - baliw to ah!"

"Bleeeh!"

Biglang tumakbo si Nikko sa hallway ng office pagkatapos nya akong asarin, agad ko namang syang hinabol para pigilan syang ipag kalat ang nalalaman nya tungkol sakin.
Nag flash back tuloy sakin lahat ng mga nangyari saming dalawa ni Nikko nung mga oras na nalasing ako, hiyang hiya tuloy ako kaya't ayaw ko talagang malaman ng kahit sino ang mga nangyari nung gabing yon.

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon