CHAPTER 37

63 3 0
                                        

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 37
#ALTRTorpe

Nikko Alejo POV:

"Ano ba saan mo ba ako dadalhin Maricris!"

Tanong ko kay Maricris habang takio takip nya ang aking mga mata habang nag lalakad kami kung saan, pilit ko syang tinatanong kung saan kami pupunta ngunit hindi nya sinasabi dahil isa daw yung supresa.
Ilang saglita lang at huminto na nga kami sa pag lalakad ni Mari at inalis nya na ang mga kamay nyang nakatakip saking mga mata.

"Frank? Bakit nandito ka?"

Pagkaalis ng mga kamay ni Mari saking mga mata si Frankwin agad ang una kong nakita, kung tama ang nasa isip ko baka nga kinunchaba ni Frankwin si Maricris.

"Anong ginagawa mo dito Frank? Anong ibig sabihin nito?"

"Pasensya kana Nikko kung naistorbo kita ah? Kinunchaba ko pa tong si Maricris hehe, sorry talaga... Gusto ko lang sanang itanong sayo kung pwede ka ng sabado"

"Sabado? Anong meron sa sabado? Bakit, birthday mo ba? Diba March ka? Sinong may birthday?"

"Ay hindi! Hehe hindi ko birthday Nikko, ano kasi uhmm.. sa sabado na kasi ang athletic tournament namin, gusto sana kitang imbitahan na manuod kung pwede ka"

"Ah oo nga pala no, nag te-taekwondo ka pala!"

"Uhm oo diba? Natatandaan mo ba nung high school tayo? Palagi akong member sa taekwondo hanggang matapos ang school year!"

"Natatandaan ko na, hanggang ngayon pala nag te-taekwondo ka parin pala"

"Oo, actually gold medal nalang ang kulang ko... This coming saturday balak kong ipanalo ang laban ko para sa gold medal"

Ngayon naaalala ko na, naging member din pala si Frankwin ng taekwondo noong high school kami at bilib ako sa kanya ngayon dahil until now yun parin ang ginagawa nya.
Akala ko kilala ko na talaga si Frankwin, hindi ko akalaing mapursigi pala syang tao na hindi ko nakita sa kanya noon.

"Ano, pwede ka ba ngayon darating na sabado?"

Tanong sakin ni Frank, hindi naman ako nakasagot agad sa tanong nya sa kadahilanang hindi pako sure sa schedule ko for Saturday.

"May lakad ka ba ngayon Saturday Nikko? Ang alam ko wala ka din namang masyadong gagawin sa Saturday"

Sabi ni Maricris, siguro nga kailangan ko ding sumama kay Frank since inimbitahan nya din naman ako at tingin ko importante sa kanya ang game na yun kaya't agad nakong nag desisyon.

"Sige Frank, pupunta ako sa athletic tournament"

"Talaga? Pupunta ka?! Sure ba yan Nikko?"

"Oo naman no, mukhang importante sayo ang game na yun kaya pupunta ako para suportahan ka"

"Yes!! Yes! Thank you Nikko! Salamat talaga ha! Thank you"

"Ano ka ba naman haha wala yun no!"

"Salamat talaga Nikko, promise gagalingan ko para sayo!"

"Para sakin talaga?"

"I mean para sa gold medal at syempre para na din sayo diba? Para naman hindi masayang punta mo don hehe"

"Ano ka ba, matalo o manalo ka man sa tournament na yun naka suporta parin ako sayo"

"Salamat talaga Nikko, saraming salamat dahil pumayag ka!"

Sa sobrang tuwa ni Frankwin ay niyakap ako nito, napayakap na din naman ako nung mga oras na yun habang si Maricris ay nakatingin lang saming dalawa.

A Love To Remember [SEASON 1]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon