CHAPTER 25

74 2 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 25
#ALTRNikkoSacrifice

Yulo Luciano POV:

Lumipas ang ilang oras ngunit hanggang ngayon ay nandito parin kami sa waiting area ni Mom at Nikko nag hihintay ng results kay Yuno, halos nakatulog na si Mom habang nakaupo at si Nikko naman ay nakatayo at tila ba hindi mapakali.

"Maupo ka muna Nikko para kumalma ka"

"Sige na Yulo, hindi kasi ako sanay na walang ginagawa kapag ganto ang sitwasyon"

"You don't have to worry about Yuno, matatag syang tao and I know makakayanan nya to"

Sabi ko kay Nikko, pilit kong pinapagaan ang loob ni Nikko ngunit hindi parin nag babago ang sitwasyon at patuloy parin sya sa pag aalala kay Yuno, ilang saglit lang at may isang doctor na nga ang lumabas sa emergency room.

"Doc kamusta po yung kapatid ko?"

"Kayo po ba ang kamag anak ng patient?"

Tanong ng doctor habang nag tatanggal ng gloves, hindi agad nakasagot ang doctor at nanatili na lamang itong nakatingin saming tatlo nila Nikko at Mom.

"Hmm dederetsuhin ko na ho kayo, hindi po maganda ang sitwasyon ngayon ng pasyente dahil sa sobrang daming bali nya sa katawan, may bali ho sya sa kamay at binti meron din ho syang malaking damage sa ulo pero tinitignan po namin kung may problema ba sa head injury but for now stable naman ang lagay ng patient"

"Salamat naman kung ganon Doc!"

"Mag kakambal ho ba kayo ng patient?"

"Opo Doc, mag kakamabal ho kaming dalawa"

"Hmm okay sige, alis muna ako I'll be back of may ibang findings pa kami sa patient"

"Thank you Doc!"

Ilang minuto lang ang lumipas at inilipat na nga si Yuno sa recovery room, agad naman kaming pumunta upang tignan ang kalagayan nya.
Pag dating namin doon ay nakita namin si Yuno na nakahiga at wala paring malay, halos madurog ang puso ko nung makita ko ang kalagayan ni Yuno.

"Yuno... Patawarin mo sana ako"

Bulong ko sa sarili ko habang dahan dahan akong lumalapit sa kanya, umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.

"Yuno, alam kong hindi ako nagingabuting kapatid sayo pero kahit ganon ayokong nakikita kitang ganyan.. please Yuno, lumaban ka, kahit wag na para sakin, kahit para nalang kay Mom"

Tumatagas ang mga luha saking mga mata habang mahigpit kong hinagawakan ang mga kamay ni Yuno, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.

"Tahan na Yulo"

Bulong ni Nikko habang hinihimas ang likod ko upang mapatahan ako sa pag iyak, alam kong mali na pinatulan ko si Yuno.
Napapaisip ako na kung hindi lang sana ako pumatol kay Yuno hindi sana mangyayari to.

"Nikko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari kay Nikko"

"Wala namang may gusto nito Yulo, wag mong sisihin ang sarili mo dahil mas lalo lang bibigay yang loob mo"

"Hindi Nikko, ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng to, dahil sa akin kung bakit napahamak si Yuno ng ganyan"

"Yulo, alam nating lahat na aksidente ang nangyari... Miski ako sinisisi ng Mom mo dahil sa nangyari pero isinasantabi ko yun dahil ayokong pang hinaan ng loob, ayokong mag mukha akong mahina kapag nagising na si Yuno"

"Hindi ko lang talaga kasi mapigilan Nikko, ang bigat ng loob ko at pakiramdam ko lahat ng sisi ay nasaakin"

"Hindi totoo yan Yulo, kung ang sisi lang din pala ang pag babasihan ako talaga ang totoong may kasalanan... Kung hindi ko lang sana sinabi kay Yuno na hindi ko sya gusto edi sana hindi mangyayari to... Sana pala nung nakikipag kita sya sakin hindi ko nalang sya sinipot... Ako talaga ang may mali Yulo"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon