CHAPTER 49

76 3 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 49
#ALTRHeartBreak

Yuno Luciano POV:

"Hanggang dyan kana lang Sylvester!"

Sa mga oras na to ay wala ng matatakbuhan pa si Sylvester at ang tauhan nyang si Travino, matapos ang ilang minutong pag hahabol namin sa kanya ay wakas at na huli rin namin sya.
Kasalukuyang pinapalibutan namin silang dalawa ni Travino kasama ko ang Papa ni Nikko na si Abner habang nag hihintay sumunod ang mga pulis.

"Wala kanang kawala ngayon Sylvester!! Tapos na ang malikigayang araw mo!!"

Galit na pagkasabi ko sa kanya, hanggang kamatayan ay hindi ko mapapatawad ang taong to dahil sa ginawa nya kay Yulo.

"Napaka hayop mo! Hindi mo talaga tinupad ang usapan nyo ni Yulo!!"

"Kasalanan ko bang uto uto kayo?! Eh mga bobo pala kayo eh! Alam nyo ng hindi ako mapag kakatiwalaan, pinag katiwalaan nyo parin ako! Kundi ba naman kayo kalahating bobo at kalahating tanga!!"

"Tignan natin kung sino ang tanga pagkatapos kang mahuli ng mga pulis!"

"Bakit mag papahuli ba ako?!"

"Wala ka ng kawala, sa tingin mo ba makakatakas ka pa ha?!!"

"Ako? Walang kawala?! Sino nag sabi sayo ha?!"

"Bakit, may matatakbuhan ka pa ba? Kung tagalon ka sa bintanang nasa likod mo siguradong patay ka!"

Nasa pangalawang palapag kami ng abandunadong gusali ng mahabol at mapalibutan namin si Sylvester nung nag tangka syang tumakas nang marinig nya ang mga paparating na mga pulis, hindi ko alam kung anong nasa isip ni Sylvester ngunit isa lang ang nasisiguro ko at yun ay nag tatangka parin syang tumakas.

"Sumuko kana lang Sylvester, wala kanang matatakbuhan pa!!"

Sigaw ng Papa ni Nikko na si Abner, galit na galit itong sinisigawan si Sylvester dahil sa ginawa nyang pag mamalupit sa anak nito nung mga oras na nasa kamay ni Sylvester si Nikko.

"Ang mga kriminal na katulad mo ay nasa kulungan dapat!!"

"Wow Abner! Parang hindi ka naman naging kriminal na katulad ko! Diba nga, kasabwat kita noon? Nakakalimutan mo na ata na kasama kita nung pinilit nating mag pakamatay ang TATAY nitong si Yuno! Ano may amnesia lang? Kinuhanan pa nga natin ng video ang pag papakamatay ni Juanito para pagkaperahan diba?!!"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Sylvester, hanggang ngayon nasasaktan parin ako kapag may mga nalalaman ako na hindi ko alam tungkol kay Dad.

"Totoo ba to Abner?"

"Wag kang maniwala dyan sa lalaking yan Yuno, sinasabi nya lang yan dahil gusto nya mag talo tayong dalawa! May mala demonyong ugali yan kaya wag na wag kang mag papadala sa mga sasabihin nya!!"

Sa totoo lang masyado nakong naguguluhan sa mga sinasabi nilang dalawa at hindi ko na alam kung sino pa ang paniniwalaan ko.

"Bakit hindi mo sabihin kay Yuno, Abner? Natatakot ka ba na malaman nya ang katotohanan?"

"Hindi totoo yang mga sinasabi mo Sylvester! Sinubukan kitang pigilan nung mga oras na pinipilit mong mag pakamatay si Juanito dahil alam kong hindi na makatao ang ginagawa mo!! Sinubukan kitang pakiusapan tungkol kay Juanito pero hindi moko pinakikinggan!!"

Nararamdaman kong totoo ang mga sinasabi ni Abner, napatawad ko na din naman sya sa mga nagawa nyang pagkakamali kaya't wala ng dahilan pa para magalit ako sa kanya.

"TUMIGIL NA KAYONG DALAWA!!"

Sigaw ko, natahimik ang dala sa pag tatalo ng sigawan ko sila ng malakas.
Hindi ko dapat ituon ang aking sarili sa pag kakamali ni Abner bagkus ay dapat ituon ko ang aking isip kung papaano ko mabibigyan ng katanungan ang ginawa ni Sylvester kay Yulo.

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon