CHAPTER 5

244 15 1
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 5
#ALTRLasingNaSiYuno

Yuno Luciano POV:

"♪ Oh, oh, oh.. Don't you worry
I'll be there, whenever you want me...
I need somebody who can love me at my worst.. No, I'm not perfect, but I hope you see my worth.. 'Cause it's only you, nobody new, I put you first.. And for you, girl, I swear I'll do the worst~♪"

Mag isa akong kumakanta ngayon dito sa loob ng karaoke room para makapag relax relax naman, matagal tagal ko na din kasi tong hindi nagagawa kaya naisipan kong mag saya muna kahit saglit.
Sabi nila maganda daw ang boses ko, hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi nila o inuuto lang nila ako pero nag papasalamat parin naman ako sa mga papuri nila.
Hilig ko talagang kumanta simula nung grade school palang ako, palagi akong sumasali sa mga singing competition noon nung college days kaso hindi ako nananalo pero okay lang dahil nailalabas ko naman ang talent na meron ako sa ibang tao.

"Uuwi na nga ako"

Natapos na ang ilang minuto kong pag stay sa karaoke bar kaya napag desisyonan ko ng umuwi, ilang saglit lang at parang natatanaw ko si Nikko mula sa labas ng karaoke bar kaya nag madali akong lumabas para puntahan sya.

"Oy, Nikko! Kamusta ka naman? Tagal nating hindi nag kita ah!"

"Yuno? Nandyan ka pala!... Ito okay naman ako ngayon, medyo pagod lang sa trabaho kaya napag isipan namin ng mga ka work mate ko na lumabas muna para makapag relax din"

"Talaga? Nasaan na yung mga ka work mate mo?"

"Ah, wala na sila... Umuwi na, mga lasing na din kasi eh hehe"

"Imunon kayo ng alak? Ikaw ba, lasing ka din ba?"

"Ha? Hindi ah! Hindi naman ako umiinom eh"

"Ganon ba? Gusto mo bang samahan muna ako dito?"

Hindi rin nag tagal at pumayag din si Nikko na samahan ako saglit dito sa karaoke bar, napag desisyonan namin na bumili ng kaonting beer at kumanta ng kahit anong random songs.

"♪But now there's nowhere to hide.. Since you pushed my love aside.. I'm out of my head.. Hopelessly devoted to you.. Hopelessly devoted to you~♪"

"Wow, ang galing mo palang kumanta Nikko"

"Hmmf, nambola ka pa, hindi kaya!"

"Totoo nga, ang galing mong kumanta Nikko!"

"Sus, wag mong ibahin ang usapan Yuno! Ikaw naman ang kumanta hehe"

Wala na ata akong ibang pag pipilian kundi kumanta, tutal nandito naman na din kami para mag saya ni Nikko kaya gagawin ko nalang kung anong gusto nya.
Iniabot nya sakin yung mic at song book habang iniinom ako ng beer.

"♪'Cause there is no guarantee... That this life is easy... Yeah, when my world is falling apart
When there's no light to break up the dark
That's when I, I.. I look at you~
When the waves Are flooding the shore and I can't find my way home anymore.. That's when I, I.. I look at you~♪"

"Wow! Grabe, ang ganda pala ng boses mo Yuno! Parang mala anghel ang boses mo! Grabe idol na talaga kita!"

"Hehe, grabe ka naman Nikko! Hindi naman siguro ganon ka ganda ang boses ko"

"Promise, napakaganda ng boses mo! Mala anghel ang ganda kaya napapa wow nalang talaga ako!"

"Tigilan mo nga ako Nikko! Hahaha oh ito, uminom ka muna ng beer!"

"Hala, alam mo naman hindi ako nainom diba?"

"Hindi ba? Okay sige, ako nalang iinom hehe!"

Hindi pa kami umuwi ni Nikko at sinulit pa namin ang mga oras na mag kasama kaminh dalawa ngayong gabi, umiinom ako ng beer habang kumakanta ng Karaoke.
Ang saya saya ng bawa't sandaling ginawa namin ni Nikko, halos hindi mabura ang mga ngiti ko sa aking mga labi.

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon