CHAPTER 20

83 4 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 20
#ALTRItsANewLife

Nikko Alejo POV:

"Salamat sa pagkain Yuno ah? Nag enjoy ako sobra!"

Ngayon ay magkasama kami ni Yuno na sabay kumain, pinag luto nya ako ng  isa sa mga paborito kong pagkain katulad ng burger steak.
Hindi ko akalaing magaling pala si Yuno mag luto at talagang lasap na lasap mo ang sarap ng luto nya, pakiramdam ko tuloy ay kumain ako sa labas dahil sa sobrang sarap ng pinabaon nya sakin.

"Sabi ko naman kasi sayo eh, masarap talaga yan dahil may halong pag mamahal yan!"

"Weh? Hindi nga? Hahaha"

"Ikaw lang naman ang hindi naniniwala sakin hehe pero totoo ba talagang masarap?"

"Oo Yuno, amg sarap talaga... Medyo madami nga akong nakain"

"Salamat naman kung ganon"

"Sige na Yuno aalis nako, mag s-start na kasi ang duty ko eh"

"Teka ubos na yang kinain mo?"

"Oo, ubos na to... Ako ng bahala dito sa baunan mo ibibigay ko nalang sayo mamaya ha?"

"Okay sige!"

Ilang saglit lang at natapos na din si Yuno kumain, iniwan nya sakin ang baunan nya at hinugasan ko agad ito.
Habang nag huhugas ako ay biglang dumating si Namy pati na din ang mga alipores nya, napalingon naman ako nung time na dumating sila.

"Talaga palang malandi ko no?"

"Huh? Anong pinag sasabi mo?"

Dahan dahang lumapit si Namy sakin habang nakatingin sakin ng masama, dinuro diro nya ang dibdib ko habang sinasabihan ako ng mga salitang hindi maganda.

"Alam mo malandi ka din eh no? Bakit ba pati si sir Yuno nilalandi mo ha?!"

"Alam mo nasisiraan kana!"

"Akala mo hindi namin alam ha? Alam na alam namin kung bakit ka napunta sa janitorial services! Diba kaya ka napadpad dito dahil nilalandi mo si sir Yulo?"

"Saan nyo ba napulot yang mga fake news na yan ha?!"

"Fake? Kaya pala nung time na nag lilinis kami sa office ni sir Yulo nakita naming inaalipusta ka ni ma'am Margaret! Alam na alam na namin Nikko kung bakit nandito ka, nilagay ka dito dahil ayaw sayo ng ina ni sir Yulo tama ba ako?!"

"Hindi, tsaka tantanan nyo nga ako! Wala naman akong ginagawang masama sa inyo!"

"Wala? Hahaha girls wala daw syang alam!"

Biglang lumapit ang dalawang kasama ni Namy at pumuwesto ito sa magkabilang side ko na parang kino-corner ako.

"Girls, wala daw alam yang baklang yan!"

Girl 1: Nako Namy, mukhang bobo ata tong si Nikko kaya hanggang ngayon hindi nya alam kung bakit ka naiinis sa kanya!

Girl 2: True, maang maangan effect oh patay malisya ha? Hindi mo ba napapansin na gusto ni Namy si sir Yuno?!

Hindi ako nakapag salita nung malaman ko na ang ugat pala ng galit sakin ni Namy ay ang feelings nya para kay Yuno.

"Kung ako sayo Nikko, umiwas kana hangga't nakakapag timpi ako sayo!"

"Yun na yon ha Namy? Yun na yung dahilan mo kaya ka naiinis sakin? Ang babaw mo naman... Sa tingin mo ba magugustuhan ka ni Yuno? Eh kahit nga sa siguro sa standard ng mga kapwa nating janitor walang mag kakagusto sayo!"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon