CHAPTER 31

75 3 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 31
#ALTRIsThisADate

Yulo Luciano POV:

(Ring Ring Ring)
Nasa kalagitnaan ako ng meeting with all the members of the shares holders and the presidents of my company nang may biglang tumawag sa cellphone ko, napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng table habang nag di-discuss.

"Excuse me, sasagutin ko lang yung call"

Sabi ko sa mga kasama ko sa meeting board, agad ko namang kinuha ang phone ko at lumabas ng meeting room.
Pagkakita na pagkakita ko palang ng number alam ko na kung sino ang taong natawag sakin kaya't agad ko itong sinagot.

(PHONE CALL CONVERSATION)

"Hello! Sylvester, alam kong ikaw yan!"

"Oh, buti naman alam mo na kung sino ang kausap mo... Skip na tayo sa pakilala portion, ngayon dederetsuhin na kita agad Yulo.... NASAN NA ANG 1.3M NA UTANG SAKIN NG PATAY MONG AMA!"

"Psh, akala mo ba ibibigay ko sayo ng ganon ganon lang yun ha? Mag hirap ka, katulad ng pag papahirap mo kay Yuno nung sinagasaan mo sya!!"

"Kulang pa yan Yulo, patikim pa lang yan! Hindi mo pa alam kung anong mas kaya kong gawin kaya mag handa handa ka!"

"Wala akong pakealam, hinding hindi kita uurungan Sylvester!"

"Wag ka masyadong mag matigas, baka kung ako ang tumirada sayo bigla kang manlanbot! Wag mokong tinatapangan Yulo, alam mo kung anong kaya kong gawin!"

(PHONE CALL CONVERSATION ENDED)

Halos hindi ako makapag salita dahil sa mga sinabi sakin ni Sylvester, aaminin ko na kinakabahan ako dahil alam kong masamang tao ang kalaban ko pero hindi dapat ako mag patalo dahil nakasalalay dito ang hustisya at buhay ng mga mahal ko.

"Bakit ba palagi kang tinatawagan nyang Sylvester na yan? Alam mo, curious nako dyan eh hanggang ngayon hindi pa natin alam kung anong itsura ng lalaking yan"

Nasabi ko kay Zian ang mga napag usapan naming dalawa ni Sylvester, kailangan ko si Zian para mahanap ang totoong identity ni Sylvester.

"Zi, pwede mo ba akong matulungan? Kailangan ko ng malaman kung anong totoong identity ni Sylvester... Kailangan makagawa na tayo ng paraan dahil mahirap labanan ang taong hindi natin alam ang itsura"

"Sige, magagamit natin yung Abner para ma trace ang totoong identity ni Sylvester"

Hindi na kami nag aksaya pa ng oras ni Zian at hinanap na namin ang Abner na mag tuturo samin kung sino ba talaga si Sylvester ngunit nabigo kami, hindi namin nakita si Abner pero may nalaman naman kami sa totoong pagkatao ni Sylvester.

"Ang totoong pangalan pala ni Sylvester ay Lester Vicenzo, isa pala syang leader ng isang gang na tinatawag na NINE BLOODS at 25 years na nila tong pinalalakad!"

Nalaman ito ni Zian sa pamamagitan ng ilang mga taong nakakaalam ng samahan nila at sa tulong na din ng internet, ilang oras din ang ginugol namin magkaroon lang ng konting kaalaman kay Sylvester.

"Nako Yulo, matinding tao pala itong makakalaban natin... Pero wag ka mag alala, tutulungan kita"

"Salamat Zian, pero sa totoo lang kinakabahan din ako sa gagawin ko"

"Hindi naman kita masisisi Yulo dahil nakakatakot naman talaga tong gagawin natin, mahirap pero para na din mabigyan ng hustisya ang pag papakamatay ng Dad mo"

"Kailangan ko ng harapin ang laban na to, nasimulan ko na kaya hindi nako hihinto pa"

"Tama yan pare, pero mag iingat ka"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon