CHAPTER 11

174 9 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 11
#ALTRLetTheWarBegin

Yulo Luciano POV:

Kitang kita ng dalawang mata ko na niyakap ni Nikko si Yuno dahil sinundan ko mismo sila nung lumabas silang dalawa nung mga sandaling nagkakagulo na kaming apat nila Maggie sa loob ng office ko, hindi maalis sa isipan ko yung oras na niyakap ni Nikko si Yuno.
Para bang may kakaiba akong nararamdaman, hindi ko maipaliwanag pero may kirot sa puso akong nararamdaman nung makita kong magkayakap si Nikko at Yuno.
Hindi ko din makakalimutan na nakita ko si Yuno na tumingin sakin habang magkayakap sila ni Nikko, alam kong nakita ako ni Yuno at kitang kita na pinag seselos nya ako.

"Nakaalis na ba si Maggie?"

Hindi ko napansin na pumasok si Zian sa loob ng office ko, nanatili akong nakatulala sa bintana at nakatingin sa malayo.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko parang nag seselos nga ako nung makita ko si Nikko at Yulo na magkayakap.

"Yulo? Naririnig mo ba ako? Yohoo? Yulo!"

"A-Ah! Nandyan ka pala, Zian!"

"Bakit parang nakatulala ka Yulo? Ano bang iniisip mo ha?"

"Wala! Wala to!"

"Hmm... Parang nakakaamoy ako ng kakaibang amoy ah? Parang may something eh... Hmmmmm!"

"Bakit ka ba nandito?"

"Hmmm... Aminin mo nga sakin Yulo, nag seselos ka ba sa kapatid mong si Yuno ha?"

"Bakit naman ako mag seselos?"

"Hindi ko alam! Siguro dahil may gusto kana din kay Nikko!"

"Ha?! Baliw ka ba? Bakit naman ako mag kakagusto doon?! Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo para mag kagusto sa lalaki!"

"Weh? Okay... Sabagay hindi ka naman pala nag seselos at wala ka naman palang gusto kay Nikko... Sige sasabihin ko na sayo to, mag be-break time daw muna si Nikko ngayon agad dahil sasabayan nya daw ng break si Yuno!"

"Ano?!! Hindi pwede!! Hindi pwedeng mag break ngayon si Nikko!!"

"Oh! Bakit parang nagagalit ka? Hmmm!"

Nilapitan ako ni Zian at tinitigan ako sa mukha, hindi naniniwala si Zian sa mga sinasabi ko sa kanya na hindi ako naapektuhan kay Nikko at Yuno kaya't tinignan nya ako sa mukha na parang inuusisa nya kung nag sasabi ba talaga ako ng totoo.

"Ano ka ba! Bakit mo ba ako tinitignan ng ganyan?!"

"Tinitignan ko lang kung talaga bang hindi ka nag seselos ka Yuno!"

"Kailangan ba ilapit mo pa talaga yang mukha mo?!"

"Oo naman! Para malaman ko kung nag sasabi ka ng totoo! Pero alam mo, isa kitang kita ko sa mga mata mong nag seselos ka!"

"Siraulo! Umalis kana nga!"

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sakin na pinapayagan mo mag break time si Nikko ngayon"

"Sabihin mo kay Nikko hindi sya pwedeng .ag break time ngayon!"

"Bakit naman?"

"Sabihin mo sa kanya na may ipapagawa ako sa kanya!"

"Ipapagawa? Bakit hindi mo pa pinagawa sa kanya yan, kanina pa sya bakante eh! Hmmm.... Talagang may naamoy ako sayo eh, amoy SELOS!!"

"Amoy selos mo mukha mo!!"

(Ring Ring Ring)
Biglang tumunog ang cellphone ko habang nag uusap kaming dalawa ni Zian, nung tignan ko ito laking pag tataka ko dahil unknown number ang lumalabas sa screen.
Tumingin ako kay Zian habang hawak ang cellphone ko, nag dadalawang isip akong sagutin ang tawag na to pero dahil curious ko ay napilitan akong sagutin ang tawag na ito.

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon