Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)
—
CHAPTER: 21
#ALTRSalpukan
—
Yulo Luciano POV:
"Si Yuno yun ah"
Bilang boss ng company na to ay naisipan kong mag ikot ikot sa loob ng building para matignan ko ang status ng mga employee ko, nang mapasilip ako sa pantry ay bigla kong nakita si Yuno na nakaupong mag isa.
"Yuno, buti nalang at na dito ka may sasabihin sana ako sayo tungkol kay Dad... Pwede ka bang makausap privately?"
Napag desisyunan kong sabihin nalang muna kay Yuno ang natagpuan kong letter ni Dad pero as I expected, hindi nya ako pinansin sabay tumayo sya sa inuupuan nya at nag tangkang mag lakad paalis ngunit bigla kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya.
"Bitiwan mo ko"
"Teka Yuno kausapin mo muna ak- -"
"Sinabi ng bitiwan moko!! Hindi ka ba nakakahalata o talagang tanga ka lang?! Hindi mo ba napapansin na ayokong makipag usap sayo o kahit makita kita ayoko! Hindi ko alam kung bakit ka naging may ari ng kumpanyang to eh kahit common sense wala ka!!"
"Sumusubra ka na ah!"
"Ako pa tong sumusubra?!"
Tinulak tulak ako ni Yuno sa dibdib na naging dahilan para mapaatras ako ng mapaatras, lahat ng tao sa paligid namin ay nakatingin at gulat na gulat sa mga nangyayari.
"Bakit Yulo, sisisantehin moko?! Sige! Sisantehin moko!"
"Bakit ka ba nag kakaganyan ha, Yuno?!"
"Hindi mo alam?! O baka naman nag mamaang maangan kang hindi mo alam?! Sabagay, mahirap nga namang mag patay malisya nalang sa mga nakikita diba?!"
"Yuno pwede ba? Wag kang mag iskandalo dito"
"Bakit, nahihiya? Nahihiya kang malaman ng mga empliyado na ang tinitingala nilang YULO EH MAY GUSTO KAY NIKKO ALEJO?! Nahihiya ka Yulo?!"
"Tumigil ka Yuno!"
"Bakit, anong gagawin mo kung hindi ako tumigil"
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"
Napangiti si Yuno habang nakatingin sakin ng masama, ngayon alam ko na ang dahilan ng galit nya.
Dahil kay Nikko lang pala ang lahat, ayokong magalit dahil hindi ko alam kung anong magagawa at masasabi ko kapag nagalit ako.
Tumalikod sakin si Yuno sabay sumigaw sa harap ng maraming tao.
"Oh mga co-workers! Nahihiya daw ang boss natin! Alam nyo ba ang balita? Itong boss pala natin ay in love!"
(Huh? Anong sinasabi nya?)
(Totoo kaya yung sinasabi ni Yuno?)
(Nako, nag aaway nanaman sila)
"Yuno! Tama na!"
"Hindi ako titigil hangga't hindi mo tinatantanan si Nikko!"
"Sinabi ko naman sayo na iniiwasan ko na sya at iniiwasan nya na din ako!"
"Pero gusto mo?!"
"Yuno ano bang- -"
"Gusto mo sya Yulo!"
"Ano ba- -"
"Gusto mo sya! Gusto mo syang makasama, gusto mo syang alagaan at higit sa lahat gusto mo syang mapasayo kaya aminin mo na Yulo, GUSTO MO SYA-"
"OO!! OO! Oo Yuno gusto ko si Nikko! Masaya ka na?! Masaya ka na at narinig mo na mismo sakin yan at hindi sa mga chismis chismis lang?! Masaya ka na ah?! Oo, gustong gusto ko si Nikko! Pero hindi pwede eh, hindi pwede dahil nandyan ka.... Nandyan kana at sapat kana para sa kanya, masyado ng masakit ang mundong to para sating tatlo kaya ako na mismo ang lumalayo!"
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [SEASON 1]
RomanceNikko is a kind and motivated person who does nothing but to support his family, despite the difficulties that he experiences in life, he did not hesitate to face the challenges. Yulo is one of the owners of the largest company in the world while Yu...
![A Love To Remember [SEASON 1]](https://img.wattpad.com/cover/263895821-64-k518494.jpg)