CHAPTER 13

144 8 0
                                        

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 13
#ALTRSecretReveal

Yuno Luciano POV:

"Pinag uusapan nyo ba akong dalawa?"

Yan ang bungad kong sinabi sa kanilang dalawa nung maabutang kong pinag uusapan nila ako sa loob ng pantry, hindi sila makapag salita ss sobrang gulat nung makita nila ako at sa halip ay nagkatinginan na lamang sila.

"Ano yung hindi ko dapat malaman Zian? Ano yung pinag uusapan nyo ni Yulo na hindi ko dapat malaman?! Sabihin nyo sakin dahil naguguluhan nako kakaisip!"

Kitang kita ko sa mata ni Zian ang pag aalinlangan na sabihin sakin ang nalalaman nya dahil sa mananagot sya sa kapatid kong si Yulo, nanatili syang nakatitig sa akin habang pinag papawisan na tila ba nag aalinlangang sumagot sa mga binabato kong mga katanungan.

"A-Ano kasi Yuno-"

"Sabihin mo na Zian! Sabihin mo sakin ang nalalaman mo!"

"Walang dapat sabihin sayo si Zian, Yuno! Ako dapat! Ako ang dapat mag sabi sayo!"

Nagulat ako ng biglang sumabat si Yulo sa usapan naming dalawa ni Zian, kailangan ko na ding malaman kung anong nangyayari sa paligid ko kaya't hindi nako nag atubi pang marinig kay Yulo ang lahat ng dapat kong malaman.

"Hmm.. ayoko sanang sabihin to sayo Yuno dahil ayokong mapahamak ka pa, pero siguro nga dapat mo ding malaman to"

"Tungkol saan ba ang lahat ng to Yulo? Kapatid moko kaya dapat sinasabi mo din sakin kung anong nangyayari!"

"Tungkol kay Dad ito, matagal nang panahon nung nag pakamatay si Dad... Yun ang akala natin, ang akala natin ay nag pakamatay talaga si Dad pero hindi Yuno!"

"Ano ba tong kalokohan mo ha?! Nililinis mo ba yung pangalan mo ha Yulo?! Ikaw ang dahilan kung bakit nag pakamatay si Dad tapos ngayon sasabihin mong hindi sya nag pakamatay para linisin ang pangalan mo samin?!"

"Makinig ka muna! Isa yan sa mga dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa inyo to dahil hindi nyo din naman maiintindihan! Hindi nag pakamatay si Dad, hindi pako sigurado sa mga nalalaman ko kung bakit sya namatay pero isa lang ang alam ko, pinatay sya!"

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang paniwalaan si Yulo sa lahat ng mga sinasabi nya sakin ngayon, pero naisip ko din na hindi magagawa ni Dad ang mag pakamatay.

"Makinig ka sakin Yuno, pinatay si Dad! Pinatay sya dahil may utang syang million na hindi nya kayang bayaran! Yung perang inutang nya hindi yun nagastos sa pag papagamot ko, nagastos yun dahil sa luho ni Mom!"

"Si Mom?! Kay Mom mo sinisisi ang lahat?!"

"Hindi, hindi mo naiintindihan Yuno! Patapusin mo muna ako!"

"Hindi ako naniniwala sayo Yulo! Sinungaling ka! Gusto mo pang ibuntong ang sisi kay Mom! Hindi kana nahiya sa magulang natin!"

"Pero- -"

"Wala ka talagang kwentang anak at kapatid!!"

Hindi nako nakinig pa sa lahat ng mga kasinungalingan na sinasabi sakin ni Yulo, umalis agad ako ng office at umuwi na.
Sobrang daming nangyari ngayong araw hindi ko na siguro kakayanin pa kung may mangyari pa ulit na hindi maganda.
Habang nag lalakad ako pauwi, nag titingin ako ng mga pictures namin ni Yulo, Mom at Dad hanggang sa makita ko ang pictures namin ni Nikko.

"Ikaw talaga ang nag papagaan ng loob ko Nikko, napakaswerte ko dahil nakilala kita"

Bulong sa sarili ko habang naka ngiting nag lalakad sa tabi na kalsada, ang mga ngiti ni Nikko sa mga pictures na nakita ko ay ang nag pagaan ng loob ko hanggang sa napakalma ng mga litratong yon ang nag babagang dugo na umaagos sa mga ugat ko.

A Love To Remember [SEASON 1]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon