CHAPTER 17

106 6 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 17
#ALTRPainForNikko

Yuno Luciano POV:

"Good morning Yuno!"

Sigaw sakin ni Alfred pag labas ko ng room namin, umaga na at medyo tirik na din ang araw sa labas ng hotel na pinag stay-an namin habang nasa company outing kami.

"Good morning din, teka.. nakita nyo ba si Nikko?"

"Hindi pa nalabas ng room nya eh"

"Tanghali na ah, naka lock ba yung room nya?"

"Oo ata? Hindi ko alam eh, try mo nalang katukin"

Nag hilamos at nag bihis ako ng damit para puntahan si Nikko, nang matapos ako ay agad naman akong nag tungo sa room nya.
Paghawak ko sa door knob ay naka lock nga ang room nya, sinimulan kong katukin yung room nya pero lumipas ang dalawang minuto wala paring nag bubukas ng pinto.

"Nikko? Nikko... Nakko! Gising kana ba?"

Sigaw ko sa harap ng pinto nya ngunit walang sumasagot, sumilip ako sa gilid ng pinto para tignan si Nikko pero wala akong makita pero ilang saglit lang at binuksan na nga ni Nikko ang pinto na naging dahilan ng pagka gulat ko.

"Bakit ka sumisilip dyan?"

"Nikko! Ah-Uhm sorry! Uhm.. gusto lang sana kitang bisitahin!"

"Ano palang kailangan mo Yuno?"

"W-Wala... Uhm bakit ganyan yung itsura mo? Bakit parang namumulta ka?"

"Masama kasi yung pakiramdam ko Yuno, sige mamaya nalang tayo mag usap ah? Ipag papahinga ko nalang muna to"

"Teka! Saglit lang Nikko"

Hinipo ko ang leeg ni Nikko upang tignan kung mataas ba ang lagnat nya at hindi nga ako nag kamali, mataas nga ang temperature nya.
Agad naman akong pumasok sa loob para mag mag basa ng towel para sa kanyang ulo upang bumaba ang kanyang lagnat.

"Yuno, anong ginagawa mo?"

"Binabasaan kita ng towel para bumaba yang lagnat mo, halika dito Nikko"

"Anong gagawin mo dyan?"

"Pupunasan ko yung katawan mo... Wag ka mag alala, maligamgam na tubig lang to na may alcohol"

"Ako nalang kaya ko naman ya- -"

Biglang natumba si Nikko sa sobrang pang hihina dahil sa sakit na iniinda nya, buti nalang ay agad ko syang nasalo at inalalayan syang makaupo sa kama.

"Sabi ko naman sayo na ako na, hayaan mo nakong alagaan ka... Tignan mo oh, hindi mo kaya yung sarili mo..."

"H-Hindi kaya ko to!"

"Nikko ang tigas ng ulo mo, ako na nga lang sabi eh... Ako na mag aalaga sayo"

Hindi na nakatanggi pa si Nikko at hinayaan nya na nga akong alagaan sya mag hapon, nilutuan ko sya ng lugaw at pinag handaan ko sya ng gamot para inumin.
Sinubuan ko sya ng lugaw habang nakaupo pagkatapos kong punasan ang katawan nya at palitan ng damit, pinag silbihan ko si Nikko buong mag hapon hanggang sa makaidlip akong nakaupo sa tabi nya.

"Yuno..."

May biglang tumawag ng pangalan ko habang natutulog ako sa tabi ni Nikko kaya agad naman akong tumayo para tignan ko kung sino yun.

"Yuno...."

"Nikko, gising kana pala! Kamusta ka na, okay na ba yung pakiramdam mo?"

"Okay naman na ako Yuno, salamat ah? Salamat dahil hindi mo ako pinabayaan"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon