CHAPTER 42

59 3 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 42
#ALTRYunoLittleDirtySecret

Nikko Alejo POV:

Walong oras din ang lumipas at sa wakas ay tapos na din ang duty ko sa trabaho, hinubad ko ang aking uniform at nag palit ng damit upang makauwi na.
Nang papalabas nako ng building ay bigla kong napansin mula sa loob ang mahinang ulan, bigla akong nag dalawang isip kung susugod ba ako sa ulan dahil wala akong dalang payong.

"Nako po, mababasa ako nito"

Bulong ko sa aking sarili, napag desisyunan kong lumusob nalang sa mahinang ulan.
Nilagay ko ang kamay ko sa aking ulo at tumakbo ng mabilis upang hindi mabasa.

"Haaays!! Nako po!"

Sigaw ko habang tumatakbo, nang makarating ako sa gitna ng kalsada ay may biglang nag payong sakin.
Dahan dahan akong tumingin sa lalaking may hawak ng payong at laking gulat ko ng si Yuno pala ang lalaking ito.

"Yuno?!"

Gulat kong pag kasabi, hinawaka nya ako sa balikat at pinayungan nung makita nya akong sumusugod sa ulan.

"Mabuti nalang Yuno at nandito ka!"

"Ihahatid na kita Nikko... Okay lang ba ha?"

"Aba oo naman hehe, salamat naman at may mag papayong na sakin hanggang sa makauwi ako"

Natutuwa ako dahil nandyan si Yuno para ihatid ako sa bahay, nag hintay kami ng bus ng ilang oras ngunit walang dumadaan nung mga oras na to.

"Nako, wala na atang bus ngayon Nikko..."

"Oo nga Yuno, paano nako makakauwi nito?"

"Hmm gusto mo bang sumakay nalang tayo ng taxi? Para makauwi kana din, mukha kasing pagod ka eh"

"Nako wag na Yuno, mahal ang taxi noh... Hehe nag titipid ako ngayon eh"

"Sige na, ako na mag babayad"

"Ay mas lalong wag na, wag kana mag abala pa Yuno... Okay na saking mag hintay ng bus dito hehe"

"Eh paano yan, hindi tayo sigurado kung may dadaan pang bus ng gantong kalakas na ulan"

"May dadaan pang bus nyan, mag hihintay nalang ako dito Yuno"

"Sige na Nikko, pumayag kana... Ako na mag babayad ng taxi natin, tara na"

"Pero Yuno, ayoko namang- -"

"Tara na!"

Hindi nako nakatanggi pa sa pamimilit sakin ni Yuno at wala na nga akong nagawa pa kundi sumakay ng taxi kasama sya, tulad ng sinabi nya agad naman nyang binayaran ang taxi driver ng makarating kami sa bahay.

"Nako Yuno, gumastos ka pa... Babayaran nalang kita"

Hinalungkat ko ang wallet ko sa loob ng aking bag ngunit hinawakan ni Yuno ang braso ko upang ako ay pigilan.

"Wag na Nikko, wag mo ng bayaran"

"Nakakahiya naman kasi sayo Yuno eh"

"Hehe ikaw talaga"

Hinimas ni Yuno ang aking ulo habang nakatingin sakin ng nakangiti, ilang saglit lang at lumabas si mama sa loob ng gate na may dala dalang basura.

"Oh, anak nandyan kana pala"

Sabi ni Mama, magkahalong tuwa at pagkabigla ang naramdaman ni Mama nang makita nya si Yuno.

"Yuno? Ikaw na ba yan? Yuno hijo! Ikaw nga yun, nako po ang laki laki mo na hijo!"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon